hilawnatuhod

Muli pa kayang magbubukas ang lagusan?

darkblue_99

@hilawnatuhod matagal ko na po hinihintay 3rd book ng lagusan.
          	  Sana po.
Reply

Roldee

Sangayon si Paul sa paghihiganti ng suspek pero mas gusto nya na siya ang gumawa at ayaw nyang masangkot si Anne. Again mixed-up ang kanilang memories at nalaman nang suspek ang plano ni Paul. Kaya't nagpanggap ang suspek sa katauhan ni Anne na siya si Anne at tinulungang si Paul na mahanap ang dalawang natitirang suspek. Dahil kilala nya ang mga suspek, natunton nila ang dalawa. 
          
          Sa akmang papatayin na ni Paul ang dalawang suspek, napansin nya ang kakaibang kinikilos ni Anne na animo'y nageenjoy sa ginagawa nya. Saka lang nya nalaman na ang suspek ang nasa katawan ni Anne nang pilit bumabalik sa kanyang katawan. Sinasabing, ng pautal-utal, na wag ilagay sa kanyang kamay ang hustisya. Pero mas malakas ang suspek at muling naagaw ang katawan ni Anne. Nakipagbuno ito at dahil malakas din ang suspek at nagpapanggap ulit na si Anne, nahirapan si Paul. Hanggang sa nabaril ni Paul si Anne. 
          
          Bahala na ka kung ano ang ending... hehehe. Salamat. Keep on writing.
          
          

Roldee

 Ayos yung story. May suggestion lang ako para sa lagusan 3, kung gusto mo. 
          Parang ganito ang version ng istorya:
          Dalawang strangers na kapwa bukas ang kanilang lagusan, sabihin na nating sina Anne at Paul. Magkatabi sila sa isang bus at sabay silang nakatulog. Dahil bukas ang kanilang lagusan nagkapalit ang kanilang espirito. Ang pagkakaiba dito, parang nagkaroon sila ng mix-up memories. Bits and pieces of memories lang, malabo at magulo sa umpisa. Along the way ng story, nalaman ni Anne ang nakaraan ni Paul na isang pulis. Napariwara ang buhay dahil sa pagkamatay ng asawa nya. Obsess na mahanap ang mga pumatay, ang kaso laging dead-end, unsolved case. Gaya din ni Anne, nalaman din ni Paul ang klase ng buhay meron ang babae. Medyo malabo sa umpisa dahil ang memoryang galing sa masamang karanasan ay pilit na kinakalimutan kayat mahirap hukayin. Parating takot si Anne. Hanggang sa lumutang ang memorya na witness pala si Anne sa isang krimen. Nakita ni Paul sa memorya ni Anne ang brutal na ginawa sa kanyang asawa ng apat na kalalakihan. Lahat namukhaan ni Paul.
          
          Ang twist ng story ay di lang si Paul ang gumagamit sa katawan ni Anne dahil isang araw nakita ni Paul si Anne na duguan.  At sa news nabalitaan nya ang pagkamatay ng isa sa suspects. Malakas ang kutob ni Paul na ang asawa nya ang gumagamit sa katawan ni Anne. Pero nagkamali siya dahil nalaman nya sa ikinikilos ni Anne na hindi ang asawa nya ang pumapasok sa katawan ni Anne... kundi ang isa sa suspects. Saka nya muling naalala na bago pa man pinatay ang kanyang asawa, nakapaglaban pa ito. Gamit ang isang basag na bote, nagawang laslasin ng kanyang asawa ang leeg ng isang suspect. Naputol ang main artery nito at halos maligo ito  sa sariling dugo. Imbes na tulungan ng mga kasama, ay kasama din siyang iniligpit at itinapon sa ibang lugar para mabura ang link.