✨ Hello, mga ka-Wattpad! ✨
I’m Iam0130, your amateur writer na nangangarap maging paborito n’yong author someday. ️
Currently, I have two ongoing stories na baka magustuhan n’yo rin:
Oops… Dalawa Sila
Hindi inakala ni May na magiging walking teleserye ang buhay niya—dalawa ang nag-uunahan sa puso niya: si Shan, ang ex na parang multo ng nakaraan, at si Gio, ang bagong kaibigan na unti-unting nagiging threat sa kanyang “single life.”
Sa gitna ng trip, asaran, at mga kalokohan nina Ate Evelyn, Ethan, Caloy, at Martin, napupuno ng kilig, tawa, at awkward moments ang bawat araw niya. Pero sa huli, isang tanong lang ang kailangan niyang sagutin: sino ba talaga ang pipiliin niya—ang dati, o ang bago?
The Runaway Celebrity & The Girl with the Red Notebook
Isang sikat na artista ang biglang nawala sa kasikatan—nagtatago mula sa mundo at sa sariling emosyon.
Isang dalagang may pulang notebook, pilit isinusulat ang mga bagay na unti-unting kinakain ng kanyang sakit na Alzheimer.
Ano ang mangyayari kung ang dalawang mundo nila—ang nagtatago at ang nakakalimot—ay biglang magtagpo?
(Fanfiction inspired by Jayson of 1st.One)