
MariaEljey
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
Magandang umaga, imgwynne Maraming salamat sa pagboto maging sa paglalaan ng iyong oras upang basahin ang aking akdang El Gobernador-General De Mi Corazón. Nawa'y ma-enjoy mo ang kabuuan ng kuwento. Manatiling ligtas at pagpalain ka pa lalo ng Panginoon. ❤️ Nagmamahal, LovelyEljey

MariaEljey
Maraming salamat din po sa iyong mensahe at katanungan. Labis ko po itong na-appreciate. Kung mayroon ka pang mga katanungan ay malugod ko po iyong tutugunin. God bless you more po! ❤️❤️❤️ Nagmamahal, Senyorita Maria (✿ ♡‿♡)❤️❤️
•
Reply

MariaEljey
Magandang umaga po, Binibining @imgwynne ( ╹▽╹ ) Ibig ko pong ipaabot ang aking pasasalamat sapagkat naibigan mo ang kabuuang kuwento ng El Gob maging sa pagmamahal sa mga tauhan sa kabila ng kanilang mga pagkakamali at kapintasan. Masaya rin po akong mabatid na sa pamamagitan ng aking akda ay nakapulutan ito ng aral sa buhay maging ang pagpapahalaga sa ating kasaysayan, tradisyon, at kultura. ❤️❤️ Narito naman po ang aking tugon mula sa iyong mga katanungan: • Noong ongoing pa ang El Gob, kada apat na linggo sa isang buwan ay nakakapagpaskil ako ng mga bagong kabanata. Ngunit may mga pagsubok at suliranin na dumating sa aking buhay gaya ng stress at depression. Kaya inaabot na ako ng isang buwan bago makapagpaskil ng bagong kabanata. Subalit bumabawi naman ako sa haba ng update na umaabot sa 10k-30k words sa. Ang kabanata 68-69 ang pinakamahabang kabanata na aking naisulat sa buong kuwento ng El Gob. • Nahikayat po akong sumulat ng HisFic story nang magkaroon po ang aming guild 2017 (pangkat ng Wattpad writers sa FB) ng Writing Duo. Bale mayroon po akong kaparehang writer na magsusulat ng isang short HisFic story. Mirrorcle ang unang short story na aming nagawa ng kapareha ko. Maganda ang feedback na nakuha namin mula sa mga nag-critic ng aming short story. Kaya naisip ko po na gumawa ng sarili kong Mirrorcle version story. Kung saan ay nabuo ko ang pamagat na El Gobernador-General De Mi Corazón na naiiba ang plot sa naunang short story na ginawa namin. Ilang taon na rin kasing nasa draft ko ang character na governor-general. Kaya nagpasya ako na ibigay ang pagkakataong iyon upang gawin leading man ang karakter na iyon sa unang HisFic novel na aking isusulat. Kung hindi dahil sa genre na ibinigay sa amin ng guild, hindi ko mabubuo ang El Gob. Kaya malaki rin ang aking pasasalamat sa aming guild sapagkat bukod sa mga mambabasa ng aking akda, sila ang naging inspirasyon ko upang ganap kong mabuo at matapos ang El Gob. ❤️❤️❤️
•
Reply