MUST READ: The concept (Tinaguan ng anak) of "I'll See You When I See You"
To my readers,
Bago ang lahat gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa unang kwento ko kahit isa akong baguhan.
Sa iba't-ibang platform ay nirekomenda ang kwento ko na tungkol umano sa taguan ng anak. Personal din akong naaaliw sa mga ganoong kwento ngunit ang sinusulat ko ngayon ay hindi ganoon. Maraming tumangkilik sa kwento ko sa pag-aakalang ganoon ang magiging takbo ng kwento ngunit kinaklaro ko lang na iba po ito.
Natagalan ako bago klaruhin ang plot nito dahil sinubukan kong ipasok sa kwento ang taguan ng anak para sa mga nag-aabang ngunit hindi kinaya. Sinimulan kong magsulat bilang libangan at gusto kong panatilihin ang malikhain kong kalayaan.
Kung i-unfollow ninyo ako o tanggalin ang kwento ko sa inyong listahan ay aking maiintindihan. Sa mga pipiliing manatali at magpatuloy, sisikapin ko pong makapagsulat ng mga kwento na tagos sa puso at magpapangiti sa inyo.
-UnwantedPen <3