Malaking bato ang tumilapon patungo sa kinaroroonan ko. Bago pa man 'yon tumama sa akin ay agad 'yong tumigil sa ere. Nagsisigaw na lamang ang mga batang nagtapon niyon nang bumalik sa kanila ang tinapong bato.
“Mga baliw!” rinig kong sambit ng babae, iling-iling na pinakatitigan ang nagkagulong mga bata. “Maari naman nilang patigilin ngunit pinili nilang tumakbo.”
“Mga bata lamang sila,” sabi ko na parang wala lamang nangyari. “Hindi mo na sana binalik sa kanila. Paano kung hindi sila tumakbo at nagugulat lamang?”
“Eh, tumakbo naman,” hirit pa nito. “At huwag nga ang mga 'yon ang pag-usapan natin.”
Nagtaka naman ako nang sumeryoso siya. “Ano ba ang kailangan mo?” tanong ko.
“Kailangan ko talaga?” Napakapit pa siya sa kaniyang dibdib, na parang nasasaktan nga talaga sa pinili kong salita. “Ang sama mo sa akin ngunit sa mapang-aping lipunan, parang wala lang sa'yo?”
“'Yan ba ang pinunta mo?” Baling ko sa kaniya nang may nanunukat na tingin. “Ervira-”
“Oh, huwag mo nang ituloy,” pigil niya na para bang nababatid ang susunod kong sasabihin.
“Ano bang itutuloy ko?” Napailing ako sa kabaliwan niya. “Nag-o-overthink ka na naman.”
“Overthink?”
Natigilan ako at agad napakamot sa mahabang buhok. “Basta!” Sabi ko na lamang, iniiwasang magpaliwanag.
“Eh, ano ang ibig sabihin no'n?”
“Ilang beses ko na bang sinasabi sa'yo ngunit hindi mo naman natatarok sa isip mo?” Sabi kong inilingan ang kaniyang pagkatao.