"Young Master!"
Sabay kaming napatingin ni Lian.
"Yes?" sagot ko, bahagyang nagtaas ng kilay.
“Kailangan mo ’tong makita, Young Master…” May kaba sa boses niya yung tipong alam mong hindi lang basta tsismis ang dala niya.
At doon pa lang, alam kong hindi maganda ’to. Agad akong napaatayo. Para bang may humila sa dibdib ko. Isang masamang kutob na ayaw magpahuli.
Mabilis akong sumunod kay Earl, halos nagla-lakad-takbo kami sa hallway ng Shanghai. Hindi na importante kung may last subject pa kami. Ayokong maghintay, ayokong manghula. Kailangan kong makita. Ngayon.
“Bruh, kailangan ba talagang tumakbo?” reklamo ni Lian, pero kita sa mukha niya na kinakabahan din.
Paglabas namin sa private parking, bigla akong natigilan. Parang may humampas na malamig na hangin sa mukha ko. Unti-unti akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa harap.
Wasak, gasgas, binutas. Nilagyan ng pintura. Hindi lang ito galit. Ito yung klase ng galit na may misyon.
“This can’t be…” Halos pabulong, pero ramdam ang bigat. Pakiramdam ko bumagsak ang sikmura ko.
“Oh no, bruh. Your car again?” komento ni Lian, napakamot sa ulo. “But this… this must be worse.”
https://www.wattpad.com/1600436108?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=jojeri14