jose_nhickolas

TIP JAR NG INYONG POORITANG AUTHOR!
          	
          	Hello, mga teh! Kung nabaliw kayo sa mga plot twists at patayan natin, baka naman pwedeng maambunan ng blessings ang inyong writer. 
          	
          	Kailangan ko ng funds para maka-survive sa hamon ng buhay at pambili ng kape. Baka kasi kakaisip ko ng susunod na papatayin sa kwento, ako na ang sumunod na matagpuan sa sapa dahil sa gutom. Charot! 
          	
          	Kahit magkano ay sobrang laking tulong para patuloy akong makapagsulat ng mga panibagong pasabog.
          	
          	GCash: 09952903123 (NI**O B.)
          	PayPal: paypal.me/josenhickolas
          	
          	Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa mga kwento ko! At dahil sa mga request niyo ng Season 2 sa Elias, heto na gagawan na ng season. Love you, mga teh!

jose_nhickolas

TIP JAR NG INYONG POORITANG AUTHOR!
          
          Hello, mga teh! Kung nabaliw kayo sa mga plot twists at patayan natin, baka naman pwedeng maambunan ng blessings ang inyong writer. 
          
          Kailangan ko ng funds para maka-survive sa hamon ng buhay at pambili ng kape. Baka kasi kakaisip ko ng susunod na papatayin sa kwento, ako na ang sumunod na matagpuan sa sapa dahil sa gutom. Charot! 
          
          Kahit magkano ay sobrang laking tulong para patuloy akong makapagsulat ng mga panibagong pasabog.
          
          GCash: 09952903123 (NI**O B.)
          PayPal: paypal.me/josenhickolas
          
          Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa mga kwento ko! At dahil sa mga request niyo ng Season 2 sa Elias, heto na gagawan na ng season. Love you, mga teh!

writtenbyhumphrey

“ELIAS” is such a MASTERPIECE, may season 2 poba???

jose_nhickolas

@writtenbyhumphrey Wahhh! Nakakaiyak naman yung "MASTERPIECE", teh! 
            
            Maraming-maraming salamat sa pagmamahal at pag-suporta sa kwento nina Elias at Roman! At dahil nire-request niyo, YES NA YES! Heto na, niluluto na natin ang Season 2 ngayon din. Abang-abang lang kayo dahil may bagong mundong guguluhin ang mga halimaw natin!
Reply

jose_nhickolas

AUTHOR'S NOTE: WAKAS NG UNANG LIBRO AT SEASON BREAK!
          
          Hello, mga accla! Miss me?
          
          Oo, tama kayo ng basa. Ako na muna ang hahawak ng mic dahil kailangan muna ng author niyo ng matinding beauty rest. Masyado raw na-stress ang utak niya sa grand entrance ko kaya magkakaroon muna siya ng break mula sa pagsusulat ng kwentong ito.
          
          Pero pinapasabi niya na maraming-maraming salamat daw sa inyong lahat. Sa bawat nagbasa, nag-vote, at nag-iwan ng comments simula noong unang araw ni Julian sa Alcantara Medical Center, hanggang sa paglipat niya sa Alta Veridia, at sa pagtatapos ng Unang Libro ng The Nurse Psychopath, super thank you raw, darlings. Kayo ang naging inspirasyon niya para tapusin ang kwentong ito.
          
          Ayaw daw niyang mangako ng petsa kung kailan siya babalik sa TNP dahil gusto niyang makaiwas sa writer's block. Kailangan niyang maplano nang maayos at mas pulido ang mga susunod na mangyayari, lalo na at nakadiin pa rin ang hinlalaki ko sa detonator. Pero sisiguraduhin daw niyang babawi siya sa inyo.
          
          At in fairness sa author niyo, hindi lang siya puro tulog. Habang naka-break siya sa katedral natin, may isinusulat siyang bagong kwento on the side! Para raw ma-refresh ang utak niya at hindi siya tuluyang ma-writer's block. Ibang putahe muna ang ihahain niya habang nagpapahinga sa mga patayan natin. Kaya suportahan niyo rin iyon, mga accla!
          
          Dahil hindi pa tapos ang laro ko. Sa Book 2, aalamin natin kung paano lulusutan nina Julian at Gabriel ang pasabog ko, at siyempre, kung paano nila haharapin ang walong Mafia Clans ng Alta Metro City. 
          
          Kaya huwag ninyo munang aalisin ang The Nurse Psychopath sa inyong mga Reading List para ma-notify kayo agad kapag na-publish niya na ang unang kabanata ng Book 2. 
          
          Maraming salamat ulit sa pagmamahal sa kwentong ito. Magkikita-kita pa tayong muli sa Ikalawang Libro. Hanggang sa muli nating paghaharap, darlings. Ciao!

jose_nhickolas

ANG LARO AY PORMAL NANG NAGSIMULA! 
          
          Akala niyo ba ay inosente ang puting uniporme? I am thrilled to announce the official release of my newest Dark Psychological Thriller and BxB Romance novel, #TheNursePsychopath !!!
          
          Para sa isang madugong pasabog, KABANATA 1 hanggang 10 ay OFFICIAL nang naka-publish at ready to read!
          
          Kilalanin ang lisensyadong halimaw na si Julian Castellano. Para sa kaniya, ang ospital ay hindi lugar ng pagpapagaling. Isa itong malaking entablado. Saksihan sa unang sampung kabanata kung paano siya lumikha ng mga perpektong trahedya para sa sarili niyang palabas. Panoorin ang pagbagsak ng isang pharmacist, ang madugong wakas ng isang magnanakaw, at ang tuluyang pagkasira ng isang mayabang na doktor.
          
          Ngunit sa gitna ng bawat dugong dumanak sa entablado ni Julian, may isang bilyonaryong predator na tahimik na nanonood sa dilim. Dumating na ang Itim na Piyesa. Para kay Gabriel Valdemor, ang lahat ng tao ay mga hamak na piyesa lamang sa kaniyang malaking chessboard. The real psychological war has officially begun.
          
          Isang baliw na direktor na uhaw sa madugong palabas, at isang malamig na Grandmaster na uhaw sa kontrol. Dalawang halimaw. Magkaibang laro. Tingnan natin kung sino ang unang luluhod.
          
          Add this to your reading lists, at sabayan ako sa comment section ng bawat kabanata. Thank you so much  
          
          ☕ SUPPORT THE WRITER
          
          Kung nag-eenjoy kayo sa madilim na laro ni Julian at gusto ninyong suportahan ang mga puyat at kape ng inyong manunulat, you can drop a little tip for me! Any amount is highly appreciated at malaking tulong para mas ganahan pa akong sumulat ng mga susunod na madudugong kabanata. 
          
           GCash: 09952903123 (NI**O B.)
          
          Salamat sa mga magbabasa at susuporta! See you sa Alta Veridia Medical City. 

BlackMagic912

@jose_nhickolas opo kahit ngayun, ko lang po nabasa ang ganda kase, like lehjet wais
Reply

jose_nhickolas

@BlackMagic912 Hi teh! Sobrang nakakataba ng puso na naghahanap ka agad ng Season 2. Maraming-maraming salamat sa pagmamahal mo kina Elias at Roman! 
            
            Sa ngayon kasi, binubuhos ko muna yung buong atensyon at puyat ko sa pagtatapos ng isa ko pang ongoing novel, yung 'The Nurse Psychopath'. Honestly, gustong-gusto ko ring ituloy ang kabaliwan nila sa Bicol, pero gusto ko sanang siguraduhin na kung sakaling gawan ko man ng Season 2 ang ELIAS, eh maibibigay ko yung 100% ko. Gusto kong makabuo ng mas matinding plot para hindi masira yung ganda ng kwento na minahal niyo.
            
            Pag-iisipan at pagpaplanuhan ko 'yan nang mabuti kapag naluwagan na ako sa sinusulat ko ngayon. Yakap nang mahigpit, at maraming salamat ulit sa pag-appreciate mo sa kwento! 
Reply

jose_nhickolas

TOP 1 SA #BXB AT PUBLISHED NA ANG KABANATA 16! 
          
          Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba, yung sigaw ni Jomari o yung katotohanang #1 na tayo sa BxB tags!  Maraming maraming salamat sa inyong lahat, mga ka-San Roque! Hindi ko akalain na ganito niyo mamahalin at kakatakutan ang kwento nina Elias at Roman. Kayo ang dahilan kung bakit kahit pagod ako mag-analyze ng bawat detalye, ganado pa rin akong magsulat ng ELIAS!
          
          Bilang pasasalamat, PUBLISHED NA ANG KABANATA 16! 
          
          Maghanda na kayo dahil lalabas na ang mga tanod, sasalubungin tayo ng putik, at lalong magiging maugong ang pangalan ni Elias sa barangay. At teka, bakit pawis na pawis si Roman sa dulo at puro putik ang bota? 
          
          Basahin niyo na at i-comment ang mga theories niyo! Mahal ko kayo! Mabuhay ang mga Elias at Roman ng buhay niyo!

jose_nhickolas

TUMIGIL NA ANG TUNOG NG POSO SA SAN ROQUE!
            
            Gusto kong kumuha ng isang malalim na hininga at magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga matiyagang nag-abang ng bawat update, sa mga nag-vote, at sa mga nakipag-isip kung sino ba talaga ang totoong halimaw na nagtatago sa dilim, maraming salamat sa inyo!
            
            Kayo ang nagbigay ng buhay sa bawat "Krrrrk. Kshhh." ng poso ni Roman. Kayo ang sumabay sa init, sa kalandian, at sa tuluyang pagkabaliw ni Elias. Hindi magiging ganito kasolid ang byahe natin sa San Roque kung wala ang mga comments at suporta ninyo. Sana ay napasakit ko ang mga ulo niyo at napakaba ko kayo hanggang sa huling linya ng kwento.
            
            Tapos na ang bangungot ni Elias. Tuluyan na nating iniwan ang kaniyang katinuan sa ikatlong palapag ng apartment sa Bicol.
            
            Pero huwag kayong makampante dahil hindi pa rito natatapos ang laro.
            
            May panibago akong niluluto... kung nagustuhan niyo ang madugo at psychological na laro sa ELIAS, sisiguraduhin kong mas lalo kayong masisiraan ng bait sa susunod kong isusulat. Mas madilim. Mas mapanganib. 
            
            Kung gusto niyo ng front-row seat sa susunod na bangungot, nasa sa inyo kung gusto niyong i-follow ang profile ko para ma-notify kayo sa pag-drop ng bagong kwento. Walang pilitan, pero ipapangako kong sulit ang susunod na pagbasa. 
            
            Muli, salamat sa pagyakap sa kadiliman ng aking isipan. Mag-ingat sa mga anino at sa mga poso na maririnig niyo sa gabi.
            
            Hanggang sa muli,
            -- Jose Nhickolas --
Reply

jose_nhickolas

Hello mga ka-baranggay!
            
            Gusto ko lang mag-thank you nang marami sa lahat ng patuloy na sumusubaybay at nagbabasa sa ELIAS. Sobrang naa-appreciate ko ang oras na ibinibigay niyo para alamin ang mga madidilim na sikreto ng San Roque.
            
            Sobrang init ng panahon ngayon dahil summer na. Pero kung akala niyo mainit na ang summer niyo ay siguradong mas iinit pa ang mga rebelasyon sa ELIAS! 
            
            Since bakasyon na at mas marami na akong free time ngayon ay makakaasa kayo na mag-a-update ako from time to time. Mas mapapadalas na ang paglalapag natin ng mga kabanata kaya abang-abang lang!
            
            Kung nagugustuhan niyo ang mga nangyayari ay sobrang ma-a-appreciate ko kung makakapag-iwan kayo ng vote sa bawat kabanata at pati na rin ng inyong mga comments. Nakakataba ng puso at sobrang laking bagay nun para ma-inspire pa lalo ang inyong author. Nakakatuwa ring mabasa ang mga theories niyo sa mga susunod na kabanata!
            
            Maraming salamat ulit sa suporta at pagmamahal niyo sa ELIAS. Huminga na kayo nang malalim dahil malapit ko nang ilapag ang KABANATA 31. 
Reply