ANNOUNCEMENT
Pa-rant lang ako saglit. Being an author is really not easy, and to be honest, one of the hardest parts is editing a completed story. Hindi lang siya simpleng basa at ayos, sobrang effort at sobrang pagod talaga ang kapalit. Imagine, galing ka na sa school na pagod na ang utak mo, tapos kailangan mo pang pilitin mag-isip at mag-edit. Kaya siguro napansin niyo na hindi muna ako nag-update ng on-going stories, kasi I’m really trying to focus on revising my finished one.
Pero habang ginagawa ko ‘to, hindi ko maiwasang ma-overthink. What if, after all the time and effort I put into editing, hindi pa rin magustuhan ng readers? I’ve encountered a lot of negative comments before and, kahit sabihin ko sa sarili ko na “edi huwag basahin kung ayaw,” masakit pa rin. Hindi madaling i-ignore yung feeling na parang na-invalidate lahat ng pagod, oras, at puso na nilagay ko sa story.
I know I can’t please everyone, and I’m still grateful for the people who appreciate and support my writing. Pero sana, kung hindi rin naman positive or constructive ang comment, mas okay siguro na huwag na lang. Words carry weight, and kahit gaano kalakas ang loob ng isang author, nasasaktan pa rin kami. Writing is not just a hobby, it’s also an emotional investment. Kaya sana magkaroon din ng kaunting respeto at kindness, lalo na sa mga authors na ginagawa lang ang best nila.
To everyone who continues to patiently wait, support, and send encouragement, thank you so much. You’re the reason why I keep going despite the difficulties.