Sa mga Wattpad readers at writers bomoto po sana tayo ng mga taong alam ninyo na makabubuti para bansa natin. Kahit pula man yan, pink, orange, green, blue at yellow basta alam ninyo at ramdam ninyo na may capacity siya gumawa ng batas. Batas na malaki ang maitutulong at mapapakinabangan ng magiging anak at apo natin.
Huwag na po natin isipin ang sasabihin ng iba na isearch mo si ganyan, si ganito hayaan niyo nakang. May sariling isip na po tayo at alam natin ang tama o mali, gamitan nalang natin ng konsensiya. Kaya po sana huwag natin sayangin ang boto natin bukas, mahalaga ay kung ano ang prinsipyo ng ibiboto mo ay naaayon din sa prinsipyo at sa paniniwala mo ay GO!!!