Babati na ako nang maaga. Happy New Year po sa lahat!
#Happy2024 #HappyNewYear
Bago matapos ang taon na ito, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan ko, sa mga hindi ko na-reply-an na messages, sa mga taong nakalimutan kong batiin sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nila, sa mga kaibigan kong hindi ko nakukumusta at hindi ko na nakakausap dahil abala na sa sari-sariling mga buhay. Nandito pa rin naman ako kung kakailanganin n’yo.
Higit sa lahat, nais kong humingi ng tawad sa sarili ko. Masyado akong naging malupit sa iyo. Pinilit kong ipaintindi sa iyo ang mga bagay na hindi mo naman kailangang intindihin, ang mga bagay na hindi mo naman kailangang isipin at lalong-lalo na ang mga bagay na hindi mo naman kailangang ipaliwanag sa mga nasa paligid mo.
Pasensya ka na kung hinayaan kong lamunin ka ng insecurities and imperfections mo.
Pangako ko sa ‘yo na sa darating na taon, mas uunahin kita. Pahahalagahan kita. Hindi ko na ulit hahayaang maging malupit sa ‘yo. Mas mamahalin pa kita at hinding-hindi kita iiwan kahit na maramdaman kong susuko na ako. At kahit mapuno pa tayo ng pagsubok, magkasama nating kakayanin at lalampasan. Mas bibigyan na kita ng pansin.
Dahil ikaw ay ako at ako ay ikaw.