Meng ang tawag sakin ni Jay. 28, 24, 26 Joke! Isa akong 24 taong gulang na morena. Murang-mura ang edad pero madami nading dinanas sa buhay. Gusto ko lang magkwento ng kung anu-ano. Umaasa na may matututunan kayo sa aking mga pinagdaanan. Mula sa aking tuwa, iyak, galit, pagkadurog, pagkabuo at pagpanalo.  


Meron din akong mga gawa-gawang kwento. Mula sa malikot na imahinasyon na hinugot din mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ano pa?

Mahilig akong magdrawing, mahilig din sa mga cute na bata. Gusto ko ang sinigang at masayang-masaya ako kapag nagsusulat. Mga tula, maikling kwento mga kwentong barbero at sobrang gusto ko ang paggawa ng mga love letters sa mga mahal ko sa buhay. Sa sobrang gusto ko ng love letters eh pati sarili ko sinusulatan ko na.

Ayun lang naman. Kung gusto mo akong padalhan ng sinigang P.M mo lang ako. ahhaha

Love you :)
Meng
Nagmamahal dahil mahal na ang bigas.
  • Rizal
  • JoinedMay 26, 2020


Following


Stories by mengpanalo
Si Eba sa hardin ng Eden by mengpanalo
Si Eba sa hardin ng Eden
Mula sa mga pangkaraniwang karanasan ng isang Eba sa paaralan at labas ng kanilang tahanan. Mga kwentong kung...
ranking #1 in lifeexperiences See all rankings
MGA IYAK NG BALYENA SA DAGAT by mengpanalo
MGA IYAK NG BALYENA SA DAGAT
78 kg. Ganyan kabigat ang batang balyena. Bakit mabigat? Dahil dala niya ang hinagpis ng buong dagat. Hindi s...
ranking #264 in waiting See all rankings