>Review for Artistahin<
Matagal ko nang natapos basahin ang Artistahin ni PaulitoX mula book 1-4.
Ayos ang kwento. Bago mula sa mga typical male protagonist na gwapo, mayaman, tsundere, genius, businessman, atbp mula sa cliché na male character. Ito ay pangit noong bata na naging late bloomer at minamahal lahat ng taong nakikilala niya.
Maganda ang kwento kaso nang sunod-sunod na books niya ang binasa ko, nauumay ako sa character niya. Siguro kasi sobrang baba nang self-esteem niya to the point of annoying kahit parang ang dami na niyang accomplishment. Naramdaman ko ito sa book 3 to 4. At sa 4 na book nito, akalain mong di pa rin alam kung sino kay Ikay at Christine ang forever niya.
Don't get me wrong. Recommended ko pa rin itong book na basahin n'yo. Ang cute kasi ng childhood story niya at ni Ikay. Malalaman mo kasi kung bakit mababa ang self-esteem niya. Sana sa book 5 nito, malalaman na natin ang happy ending or not. Sana wala nang isa pang character na susulpot at mamimili pa siya sa tatlo. Parang awa na. Please sana nasa book 5 na ending.
As of the moment 8 / 10 ang rate ko para sa book na ito.
(On the spot review. Baka tamarin na ako sa susunod kung pagpapaliban ko pa ito. Kaya I apologize for typos and kalat na train of thoughts. Peace out!)