Hehe, depende siguro talaga iyon sa tao. Ako highschool ako nagsimulang magbasa ng mga pocketbooks (kasi iyon naman talaga ang pinakauso noon.) Nanghihiram ako sa mga kaklase ko, o 'di kaya'y bumubili ako mismo sa NB.
May time pa nga na tinatakot ako ng tatay ko na susunugin ang mga libro ko kasi wala na akong nagagawa sa bahay. At saka iyon nga sabi nila, baka maaga akong mag-asawa. Pero hindi naman totoo. Nasa tao pa rin talaga. 18 ako noong nag-try pumasok sa love life, tapos 24 akong nag-desisyon na makipag-live-in na muna. Anti-bride kasi ako... di ako naniniwala sa kasal. Pero naiisip ko pa rin naman na hindi naman pwedeng habang buhay kaming live-in ng partner ko. Darating din siguro kami doon sa awa ng Dyos.
Ready ako sa commitment— pero hindi pa sa kasal. May mga ganoon siguro talagang tao. Pero sana, ikaw, huwag kang maging Laon Forever, try mo din mag-lovelife gaya ng kapatod mong beks. Hehe