nanocunanan
Hello,
Kumusta!
Nagdaan ang taon at ngayon lang ulit ako magpaparamdam. Nais ko lang din sabihin na hindi muna matutuloy ang kwentong Jeremy F. Diosdado. In-unpublish ko na 'to.
Isang taon na ang nakalipas at nanatiling walang progress ang kwento, at ito ay dahil sa mga responsibility at commitment ko outside Wattpad. Ngayon ay hindi ko pa mahanap ang tamang liwanag para ipagpatuloy ito, kaya humihingi ako ng pasensya sa mga nakapagbasa ng early version chapters at nag-abang na nanggaling pa sa Tiktok. Gayunpaman, maraming salamat sa mga nagpakita ng suporta rito.
Mananatili muna itong ideya sa ngayon. Pero kung dumating man ang panahon na pumasok sa sistema ko ang buhay nina Albie at Jeremy, sisiguraduhin kong ibabahagi na 'yon dito nang kumpleto.
nanocunanan
Sinusubukan ko muling magsulat. Kasalukuyan kong binabaybay ang listahan ng mga story idea ko. Gusto ko rin na may mailabas kahit paano, lalo't nasa maluwag akong sitwasyon ngayon, kaya gabayan nawa ako ng wisyo at pag-iisa ko.
•
Reply