nyssaswifey

Her cute lil fangs(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

nyssaswifey

‎Hey, Lyn!
          ‎
          ‎Ang tagal na nating hindi nagkikita. Pilitin ko man na kalimitan ka ay hindi ko magawa. Hindi ko kasi maiwasang isipin kung kamusta ka na kaya? Maayos na ang lagay mo? Masaya ka ba ngayon? Sana ay oo.
          ‎
          ‎Sana sa tuwing naiisip mong hindi ka kamahal mahal, maalala mo kung gaano kita ka-mahal, kung paanong sayo lang umiikot ang mundo ko. Sa tuwing tinatanong mo sa sarili mo kung may nagawa ka bang tama, sana ay maisip mo kung paano mo ako paulit ulit na linigtas kahit wala kang ginagawa. Sa isipin pa lang na hindi na kita muling makikita at makakasama pa kapag sumuko ako ay agad nawawala sa isip ko ang salitang "pagsuko". Your existence is what's keeping me alive. The fact that you exist is  what's keeping me going.
          ‎
          ‎Mahal na mahal kita. Palagi.
          ‎

nyssaswifey

Mahal na mahal kita, kung alam mo lang.
Reply

nyssaswifey

Hi, Lyn! It's me again.
          ‎
          ‎Miss na miss na kita. Sa sobrang pagkamiss ko sayo, kahit saan ako pumunta mukha mo ang nakikita ko. Sa tuwing tumitingin ako sa mukha ng ibang taong nakakasalubong ko sa daan, mukha mo ang nakikita ko. Sobra na akong nangugulila sayo. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na "Hindi ka naman sumasagi sa isip nya eh, tama na!' Wala eh, ikaw at ikaw parin ang naiisip ko.
          ‎
          ‎Sa bawat araw na nagdaan, sa lahat ng bagay na ginagawa ko, sa lahat ng mga kantang napapakinggan ko, ikaw ang naaalala ko. How can i forget the woman who saved me without her knowing it?
          ‎
          ‎Sa bawat pagdaan ng araw, ikaw ang nasa isip ko. Sa bawat pagpatak ng oras, ikaw ang naiisip ko. Kahit may ginagawa ako, ikaw parin ang nasa isip ko. Kahit wala akong ginagawa, ikaw ang nasa isip ko. Tuwing gabi bago matulog, naiisip kita. Kahit sa pagtulog ko, nasa panaginip kita. Sa tuwing gumigising ako sa umaga, ikaw ang unang pumapasok sa isip ko.
          ‎
          ‎Sobrang miss na miss na kita.
          ‎

nyssaswifey

‎Hi, Lyn!
          ‎
          ‎It's been two years since i last saw you, how are you?
          ‎
          ‎Hindi ka na active sa social media kaya hindi ko alam kung paano ako mangagamusta. Gusto ko lang malaman kung kamusta ka. Wag kang mag-alala, unti-unti ko nang tinatanggap na hindi mo ako gusto. 
          ‎
          ‎Alam ko para akong tanga sa part na naghintay ako ng tatlong taon kahit na you made it clear na hindi mo ako gusto pero anong magagawa ko? Ikaw lang ang gusto ng puso ko, eh. Ikaw yung hinihiling ko na makasama habang buhay. Lahat ng pananaw ko sa buhay ay nagbago simula ng makilala kita. Dati ayaw na ayaw kong magkaroon ng asawa dahil lumaki ako sa parents ko na hindi masaya sa kasal nila, but when i met you, it changed. I told myself "marriaged isn't so bad kung kay Lyn ako ikakasal, kahit yung pagkakaroon ng anak at pagbuo ng pamilya na dati ay ayaw ko, naging biggest dream ko sya kase i want a family with you. 
          ‎
          ‎Pero ano nga ba ang magagawa ako kung hindi mo naman ako gusto? Sinusubukan kong kalimutan ka, trust me. Lahat na ginawa ko makalimutan ka lang pero wala eh. Walang araw na hindi ka sumasagi sa isipan ko
          ‎

nyssaswifey

I always keep my promise dahil ayaw na ayaw kong hindi tinutupad ang mga pangako ko pero bakit yung pangako ko na hindi na kita guguluhin ay hindi ko matupad? Hindi maiwasang hindi ka kamustahin dahil para akong mababaliw sa tuwing hindi ko alam kung maayos ka lang ba.
Reply