peachxvision

Hello! Ngayon lang natambay. Gusto ko lang i-announce na published na ang Bela, Angelica, Diabla under the Cloak imprint of Summit Books. Cloak author na rin ako! :D
          	
          	Nagsimula talaga ang lahat dahil nangati ang utak kong isulat ang Last Full Show, at simula noon, di na tumigil ang utak kong gumawa ng horror ideas. Matatakutin ako, pero thankful ako sa inyo, sa mga reader ko, na kahit matatakutin din e binasa pa rin ang mga horror stories ko.
          	
          	I'm also thankful that Summit Books gave Bela, Angelica, Diabla a chance. :') There are EIGHT new chapters and added content sa libro. New characters to love and hate, new experiences to relate with. Abangan na lang sa bookstores! <3
          	
          	Kapag nagka-compli copies na ako, magpapa-giveaway ako (along with copies of Winds of Serendipity). Pamasko na rin. Hehe.
          	
          	Sadly, hindi na yata aabot ang psycho-thriller ko for Halloween, pero rest assured that I'm writing.
          	
          	Muli, maraming salamat sa pagsuporta!
          	
          	Magsusulat hanggang kamatayan,
          	P. X. V.

kenesu96

@peachxvision Congratulations to one of my favorite authors. 
الرد

cexxjoy

Hi ate peach! I just want to ask po if may possible reprints for Gaku series? Ultra mega rare na ang books so wala na ako mahanap  
          
          I would want a copy of my own kasi. Hopefully, magkaroon in the future. Lovelots, ate peach >3 

cexxjoy

Pa-reserve po isaa plsss puuu ate T0T (emzzz but not emzz?) 
الرد

cexxjoy

THANK YOUUUU SAUR MUCH ATE >333
الرد

cexxjoy

@cexxjoy ATE AKO NA YAN, AKO NA ANG SASALO 
الرد

xxAestheticMoonxx

Aloha~ this is an appreciation post po. I’ve been a reader since highschool days (college na ako rn).. and I really love 548 Heartbeats so much!!! 
          
          Alam niyo po ba na before kapag may nagaask sa’kin if sinong author fav ko, sasabihin kong peachxvision!! Then I reco sa kanila yung 548 Heartbeats huhu 
          
          Ngayon ko lang ulit nabuksan yung Wattpad acc ko, and ikaw po yung unang author na namiss ko <3
          
          I hope you’re doing great po, and bleed well po. Stay hydrated and safe MWAH!

peachxvision

@xxAestheticMoonxx <3 <3 <3 Maraming, maraming salamat! Hydrated naman, at safe din, kahit na may mga nararamdaman na required ang mga checkup. Sana'y ikaw naman ay healthy, at salamat sa message <3
الرد

klarenga2

what the heck, omg. first time discovering your page po, ms. author. i’m very regretful kung bakit ngayon ko lang na-discover works mo. i’ve read so many good books since two days ago. however, pinakanagustuhan ko ‘yung epis na tinola. HWHAHHAHAHAHA tawang-tawa ako sa series nila the best. parang nagiging greedy ako at manghihingi pa hehe

peachxvision

@klarenga2 Lakas talaga makahila ng Tinola couple. Thank you for liking my Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw series! <3 Try ko pang sundan. Sana'y magkaoras. <3
الرد

jdnoch

Hi magandang araw po gusto ko lang sbihin na sobrang memorable at gustong gusto kong yung story mo na 548heartbeat (bigfan) na ipabasa ko din sa gf ko ng time na yan(around 2013-2014) at yan ang naging sentro ng relation namin yung meaning ng 548 yung stars hehe kso sadly hnd siya ang naging wife ko at hnd ako ang naging husband niya , gusto ko pa din mag pasalamat sa story mo na yun .. Ask ko na din kung may book siya at kung meron paano makakabili sobrang memorable sakin ng 548heartbeat binasa ko ulit siya ngyon eh ☺

peachxvision

@jdnoch Hello! Salamat po sa pagbabasa ng kuwentong iyon! :') Puwede po kayo mag-preorder sa KPub PH sa Facebook. Ongoing po ang preorders for softbound ng anniv edition ng 548 Heartbeats. Message ninyo po sila roon and then mag-abang po kayo updates kung kailan ang printing at delivery. <3 Thank you po nang marami!
الرد

jaemincielo

MISS PEACH!!! I MISS YOUU! anong ganap mo sa valentine's day?? 

jaemincielo

@peachxvision KINIKILIG AKO MISS PEACH WAG KA GANYAN! 
الرد

peachxvision

@jaemincielo Ahahaha okay lang. Masaya ako sa ganitong random messages mo. Thank youuu~
الرد

jaemincielo

@jaemincielo gustuhin ko mang magbasa ng horror story mo miss peach hindi ko kaya jusko jusko  azza person na may vivid dreams  kaya pang fluff fluff lang talaga ako huhu
            
            ingat paakyat ng baguio miss peach! sobrang lamig pa naman aoabdbdijs enjoy sa paglipad! pasabungan mo na lang ako ng ube jam at lengua de gato ❤️
الرد