You said you wanted to write us our story
Nagkakilala tayo sa Wattpad.
Nagsisimula pa lang ako sa wattpad bilang silent reader. Voter, commentor, RL adder at friendly chats. Napadpad ako sa story mo, nagustuhan ko, nagcomment ako sa lahat ng chapter at ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng reply sa'yo. Natuwa ka kaya ang sabi mo idededicate mo sa akin ang next chapter.
Kinabukasan nag-update ka. Tinupad mo ang pangako mo. Nakadedicate nga sa akin. Binasa ko hanggang sa author's note kung saan nakalagay ang dahilan bakit ako ang napili mo. Nagcomment ako.. Hanggang sa nagpost ka sa MB ko. G sabi mo pa nga gusto mong maging friends tayo.. sa labas ng wattpad. Kinuha ko ang number mo para mapagbigyan ang hiling mo at hindi nagtagal ay naging magkaibigan nga tayo pati sa personal.
Nung una kitang makita, hindi ko inakalang mas matangkad ka sa akin ng isang talampakan. Chinito ka pala at gaya ng sabi mo, may killer smile.
Dumalas ang pagkikita natin hanggang sa ang madalas ay naging twice a week hanggang sa araw-araw at hanggang sa hindi na nakukumpleto ang araw ko nang hindi tayo nagkikita.
Isang araw, sabi mo gusto mo 'ko. Nanligaw ka. Gusto na rin naman kita nun eh. Mahal na nga yata. Sinagot kita sa pamamagitan ng paggawa ng storya nparang tayo ang karakter. Ang sabi mo pa nga nun e ikaw na ang pinakamasayang tao at hindi mo ako ipagpapalit sa iba. Yun ang sabi mo.
Pasukan na. Araw-araw pa rin tayong nagkikita dahil parehas tayo ng sxhool na pinapasukan. Napakasaya natin mula sa first monthsary patungong 11th month.
Labing walong araw bago ang anniversary natin, padalang na ng padalang ang pagkikita natin. Ang sabi mo may practice ka sa basketball at hindi ako makakapanood dahil kailangan ko pa mag-aral. Sinunod kita. Kasi yun ang sabi mong dapat.
Isang araw, nakita kita sa computer shop. Nagtago ako para isurprise ka sana. Nakita ko ang isang wattpad story. Tuwang tuwa kang nagcocomment at pagkatapos ay sa MB. Doon ko inisip na gawin ang surprise