Akala ko masakit na yung pag pirma ng sariling test kasi bagsak, mas mahirap pala pirmahan ang test na mataas ang markang nakuha... hindi ko maibigay sayo ma, kasi baka mag expect ka na pumasok sa w/ honor, ayokong paasahin ka sa wala. Ako, matagal na 'kong sumuko sa w/ honor at kapag pinakita ko ang scores ko sa exam baka umasa kana naman, aasa kana naman, paaasahin na naman kita. Sa t'wing napapagod ako iniisip kita ma, kasi kahit hindi na kaya, kahit pagod na kailangan parin pag butihin kasi may isang ikaw na umaasa sakin, mabigat sayo ang lahat. How I wish to be w/ honor, I want to give you the happiness, again. Kaso sorry ma, hindi na talaga kaya e, pagod na 'ko. Burn out na burn out na 'ko. Ang bigat bigat ng lahat, hindi ko na alam anong pahinga ba ang kailangan, at kung saan ba 'ko napagod... kasi ang alam ko, pagod na 'ko sa lahat. Ang babaw pero kasi nakakapagod lang talaga. Sorry ma. Sa susunod, pangako.