UPDATED!
CHAPTER 5: WD
Marco: Hi, is Sofia there?
Eh? Nag-chat tapos para itanong iyon? Bakit niya hinahanap ang kapatid ko? Baka nakakalimutan niya ikakasal na ang kapatid ko sa kapatid niya.
Heaven: Ang kapatid ko ay para lang sa kapatid mo, tapos na ang pila kaya huwag kang makigulo sa kasiyahan nila.
Kaagad kong inalis ang tinype ko. Parang hindi yata magandang ganoon ang sasabihin ko. What if tinatanong niya lang? Kasi kasama niya si Enzo?
Oo nga, Heavy. Masyado kang overthinker at iba pa ang iniisip ko. Kakabasa ko ito sa wattpad story, naadik na ako.
Heaven: Oo.
Marco: It took you so long to reply, and then all you said was yes? HAHAHAHAHA
Ano ba dapat ang ime-message ko?
Marco: Are you there as well?
Napakurap-kurap ako sa nabasa kong message niya. Hinahanap niya ba ako? Bakit?
Marco: Don't be assuming, okay? I'm just asking if you're at home because I have your jacket. Naiwan mo rito ng iwan mo rin ang ka-date mo.
Namula ang mukha ko sa sunod niyang mensahe. Bakit alam niya iyon?
Marco: Ghoster ka pala, ah! HAHAHAHAHAHA
https://www.wattpad.com/1497034728-wildest-dream-5
https://www.wattpad.com/story/376280923