pagbati, hirayaliwanag! 🪷

hindi ako bihasa kung sumulat ng kuwento. maaaring hindi niyo rin sobrang magustuhan ang nilalaman nito, pero isa ako sa nangangarap na makilala't kilalanin-hindi bilang isang simpleng babae lang na napadpad at dinadala ang mga pangarap, kundi para maghatid ng apoy na yakap: 'yong bang may sapat na init para makaramdam, sapat na presensya para masabing hindi kayo nag-iisa kapag pasuko na ang kalamnan.

hayaan niyo 'kong pag-alayan kayo ng mga istorya, mag-iwan ng mensahe't bigyan kayo ng ngiting nakapagpapagaan-na madadala kayo sa tunay na paraisong mapaghihimlayan.
  • EntrouJanuary 4, 2023