Si Joseph "Josefino Serve" G. Labayan ay Isang makata at manunulat na namumuhay nang payak sa Lungsod ng Batac, Ilocos Norte.

Siya ay masiyahing tao, ngunit hindi alam ng karamihan na sa likod ng kaniyang mga ngiti ay may tinatago itong pighati. Kaya't Idinaraan na lamang niya sa pagsusulat ng tula ang lungkot na kaniyang dinarama.

Ika-siyam na baitang siya noon, noong unang beses na sumabak siya sa patimpalak ng pagsusulat ng tula, at sa kabutihang palad, siya ang hinirang na kampeon. At dahil do'n, dito na niya ipinagpatuloy ang paglalakbay sa mundo ng pagkatha. Hanggang sa makabuo na nga siya ng Isang k'wento, na pinamagatang "Hayskul Lablayp"

Hilig din niyang mapag-isa, kaya kapag ramdam niyang siya'y may lamat, siya ay umaalis sa kanilang bahay upang pumunta sa paborito niyang tambayan. At do'n siya madalas nakapag-iisip ng mga tula para maghilom ang mga sugat niya.

Ig& twitter: @sephthesauze
  • JoinedAugust 20, 2017




1 Reading List