Sabi nila marami daw ang namamatay sa maling Akala.TAMA.
Akala mo walang dadaan na jeep kaya tumawid ka---patay!
Inakala mong hindi mag-eexam kaya di ka nag-aral---bagsak!
Ininom mo kaagad ang napaka-init na kape---ayun! Napaso dila mo..
Akala mo walang nakaharang---tuloy nadapa ka!
Simpleng pag-aakala ngunit nakakagawa ng malaking epekto at kaibahan sa pang-araw araw na buhay..
Pero hindi lang yan..napakarami pa..
Ilan bang tao ang nag-aakalang babalikan ng taong umiwan sa kanila?
Ilan bang tao ang nag-aakalang magiging okay ang relasyon napakalabo na?
Ilan bang tao ang nag-aakalang wala na silang nararamdaman sa isa’t- isa?
Ilan bang tao ang nag-aakalang mabubuo ulit ang dating pinagsamahan?
Ilan bang tao ang nag-aakalang masaya sila??
AKALA MO.
Akala mo wala nang pag-asa---yun pala meron pa!
Akala mo FOREVER---pero hanggang dun nalang pala talaga…
Akala mo Ikaw lang..
Akala mo siya na…
Akala mo wala na…
Akala mo magtatagal..
Akala mo nakalimutan mo na…
Akala mo napatawad mo na…
Akala mo matitiis mo lahat..
Akala mo kaya mong magparaya..
Akala mo ipaglalaban ka…
Akala mo makakaya niyong dalawa…
PERO AKALA MO LANG YUN.
Walang permanente sa mundo.
Lahat nagbabago.
Ang gusto mo ngayon maaring di mo na gusto pagdating ng araw…
Kailangan mo ngayon, pero maaring di mo na kailangan sa susunod na taon..
Ang mahalaga sa iyo ngayon, pwedeng din a mahalaga sa iyo bukas…
SAPAGKAT BILOG ANG MUNDO;LAHAT NAGBABAGO.
Pero akalain mo?
May mga tao pa ring piniling manatili sa tabi mo sa halip ng napakaraming pagbabago? Kahit mahirap man mamuhay sa daigdig ng puno ng AKALA.
Mas mainam pa ring naibigay mo ang best mo sa bawat pagkakataon…
Yung hindi ikaw ang nagkulang at nang wala kang pagsisisihan sa huli..
Gawin mo lang ang tama…hindi lahat namamatay sa MALING AKALA.=)
K?