
Little_Angel2411
Hi po, I just want to say na thank you sa pagsulat nitong Enchanted Series. Pa-tatlong beses ko na itong nabasa. Una ay noong highschool, ito yung unang Boyslove Story na nabasa ko dito sa Watty. Ito ang naging eye opener ko na may ganito pa lang klase ng genre sa wattpad. Kilig na kilig ako non sa mga kaharutan ni Ivan kay Errol.Yung tipong gusto ko na rin makita sina Ivan at Errol ng personal. Pangalwang beses na binasa ko ay noong Senior Highschool ako, non medyo naiintindihan ko na yung sitwasyon ni Errol at Ivan. Pero hindi pa ganun ka linaw na sa akin, parang alam mo yun naiintindihan ko pero hindi ko s'ya nararamdaman. Tapos ngayon binasa ko ulit s'ya kasi nabu-burn out ako sa bahay sa paghihintay sa graduation naisip kong basahin. Mas naiintindihan ko si Ivan kung saan s'ya nanggagaling. Ngayon mas naintindihan ko yung character n'ya at mas ramdam ko yung nararamdaman nila. Kapag umiiyak si Errol ay umiiyak din ako. Lalo na doon sa part nong kay Erik at Errol. Ang sakit n'ya pa rin kahit patatlong beses ko na tong nabasa. Bawat chapter ay binabagalan kong magbasa, ninamnam ko ang mga ito. Pinakagusto kong scene doon ay yung part na nag-uusap sila Sir Manny at Errol, gusto ko yung pagka-highlight nong mga love struggles ng gay community, medyo naiyak nga ako ng konti sa scene na yun ang solid kasi. For me ay medyo mabigat yung book 2 & 3, damang-dama ko yung mga emotions ni Errol habang binabasa yung buong book. Medyo nanibago lang ako sa part ni Felicia at Ivan medyo iba kasi yung naalala ko dati doon. Anyways super na-enjoy ko yung Enchanted Series. Astig na astig ako sa pagna-narrate mo, ang well detailed talaga. Yung mga fight scenes walang tapon. Tapos yung mga dialogue walang patay na hangin. Ang natural ng batuhan ng linya. Habang nagbabasa ako ay pakiramdam ko ay dinadala ako sa mundo nina Errol, na nakikita ko sila sa harapan ko.

theavoidantt
@Little_Angel2411 Grabe naman yan. Ngayon ko lang na-realize na 10 years na pala since I started writing Errol's series. Hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ko hinugot yang kwentong yan. Grabe yung motivation at dedication ko diyan na hindi ko na ma-replicate ngayon. Ang dami ko nang sinimulang kwento pero nawawalan ako ng drive after 5 or 10 chapters. Pero siguro very personal sa akin yang Enchanted Series. It was probably my way to release all the pain and frustrations. Writing it was a cathartic experience. Thank you sa heartwarming feedback.
•
Reply