Nagkakilala tayo,
Nagkapalagayan ng loob,
Inalam ang istorya ng bawat isa,
Mga nagyari no'ng nag-iisa,
Binuksan ang damdamin,
Inalok ang sarili,
Ang puso na matagal nang sarado ay binuksan,
Sa pangako mong ito'y iingatan.
Pinalipad,
Pinalipad ng napakataas,
Pinaramdam na ang nararamdaman ay patas.
Nahulog,
Hinayaang mahulog,
Nasaktan,
Sapagkat sa pag-landing ay hindi sumaklolo,
Hinayaang lumapat sa lupa, una ang ulo,
Kasunod ang puso, pagtapos ay ang ego.
Ngayon,
Sabihin mo sa'kin,
Paano magtitiwalang muli?
Kung sa bawat pagtatagpo,
Ang nararamdaman ay,
Katangahan.
Dahil nagmahal ka lang naman,
Sa gago nga lang.