Brewing another story ❤️
“Wag kang pa-fall.” Sabi ko sa kaniya. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay humiwalay ako sa kaniya at tumayo. Pinanatili kong matigas ang aking ekspresyon. Para hindi niya mahalata na naapektuhan ako. “Hindi ako tulad ng iba diyan na marupok.”
Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Nakaupo na din siya sa kama. Jusko pati tawa, nakakapangakit! Urgh!
“Sino ba nagsasabi na pa-fall ako?” Iniabot niya ang kamay ko at pinagsaklop ang mga palad namin. “To make you fall for me is something I had been dreaming about since the moment i saw you again after so many years.”
“Jusko, ang ganda ko talaga.” Pabirong wika ko. Bahala na si batman. Pesteng utak ‘to, si puso pa din naman ang mananalo eh!
Takot ako... oo... pero kung matatakot ako habang buhay, magiging masaya kaya ako?
“Yes you are. Since day one.” Ngumiti siya ng napakagwapo.
“Ang landi mo.” Sabi ko sa kaniya. Napaka-honest ko ata masiyado at kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.
“Ikaw lang ang lalandiin ko promise.” Itinaas pa niya ang kamay niya na parang manunumpa.
♀️abangan ✌