Good day, everyone! May physical book na po ang Living Under the Microscope—published under Manila Pop. Sa Manila Pop, BLACK INK, maraming salamat po sa oportunidad na mailimbag ang LUTM. Ang Living Under the Microscope ay pangalawang libro ko under Manila Pop. Kung hindi n’yo pa nabibili ang Endless Panorama, bili na po! Medyo pricey po ang LUTM compare sa Endless Panorama dahil makapal ang book pero may discount po ito hanggang February 28, 2026.
Title: Living Under the Microscope
Written by: Eana Yllanzariin
Illustrated by: EJ Selloria
Pages: 384
Muling nabuhay ang isang tatlong taong cold case dahil sa isang misteryosong krimen na konektado umano rito. Dala ng pagnanais na malaman ang katotohanan, pinasok ng sikat na aktor na si Yuuskei Hawtson ang mundo ng imbestigasyon.
Habang sinusubukang lutasin ang kaso, nakilala niya si Trevor Cross na isang private investigator. Magkasama nilang uungkatin ang nakaraan at hahanapin ang kasagutan. Pero sa kanilang pag-iimbestiga, isang katotohanang matagal nang ibinaon ang unti-unting mabubunyag.
Makakabalik pa kaya si Yuuskei sa mundong dati niyang ginagalawan? O tuluyan na siyang malulunod sa bagong mundong napasok niya kasama si Trevor?
Grab your own copy!
Shopee: https://ph.shp.ee/hkAzWZT
©: BLACK INK