DARK WEB IS NOW COMPLETED.
Thank you sa lahat ng sumama at sumubaybay sa kwento ng pakikipagsapalaran nina Lanie at Yshmael. Sa mga ayaw pa silang bitawan, salamat sa pagmamahal sa kanila pero this is farewell, Divers.
Four months.
Hindi ko akalain na katulad ng Deep Web ay apat na buwan ko ding isusulat ang ikalawa nitong aklat, ang Dark Web.
Sobrang bigat ng kwento to the point na sa unang buwan ay na-depress talaga ako HAHAHA. Hindi talaga ako mapalabas ng bahay kahit anong aya sa akin nong mga friends ko kasi super pagod ako mentally and emotionally. Ako ang sumasalo sa lahat ng sensitive issues na tina-tackle ng story.
Sino ba namang hindi made-depress kung ang araw-araw na sinusulat ko ay about sa patayan, drugs, human and organ trafficking, red room, and such? May time na naiiyak talaga ako kasi nai-imagine ko 'yong pinagdadaanan nong mga characters tas sinisisi ko 'yong sarili ko HAHAHAHA. I'm so weird.
Dark Web will open your eyes and mind sa katotohanang nangyayari sa mundo ng darknet. I'm not a hacker nor a diver, I never tried diving kahit sa deep web at lalo na sa dark web. I just put my curiousity into words with a mixed of knowledge I got from Mr. Google. Super thank you talaga kay Google! Hahahaha.
So, congratulations to myself, after a depressing and heavy story, tapos na! I can treat you na to a soju!
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa. Pansamantala kong isasara ang mundo ng darknet at hopefully, muli s'yang mabuksan.
YOUNGLILY❤