Madalas ko ring iniisip ang purpose ko sa buhay. Pero kadalasan din naman ay sinasabi na lang ng isip ko na huwag magpaka-lunod sa ganyang bagay.
Minsan naman, hindi ko mapigilan. Katulad ngayong gabi, parang nasasakal na ako sa mga kaganapan ko ngayon sa buhay. Laging dapat, eh, alam ko ang ginagawa ko. Dapat mabilis ang isip ko. Dapat marunong ako nito, magaling ako sa ganyan.
Ang hirap din palang makipagsabayan sa mga taong talentado, ‘no?
Yung tipong naturally gifted talaga. Yung kaunting hasa lang, masterado na agad nila yung bagay na halos isang taon mong paghusayan.
Ewan ko, ano nga ba ang purpose ko sa buhay?
Wala akong maisip, kung meron man, e, hindi sapat para tumingin sa salamin at kumbinsihin ang sarili na - “i’m meant to be a part of something great”
Ayos lang naman saaking maging pangkaraniwan... pero minsan talaga, katulad ngayong gabi — nararamdaman kong malapit na akong mapagiwanan.