After hearing the shocking news--Finding what element I can control, pumasok na kami sa shop na dapat kanina pa kaso hinarang kami ng lokong iyon.
"So, wala bang pa celebration dyan?" Sabi ni Aira habang nagkakalkal sa mga libro sa shop. Bookshop pala ito.
"Huh? Celebration? Kailangan pa ba 'yon? E' parang wala lang naman na ito para sa mga kagaya natin diba?" sunod-sunod kong pagtatanong. Sa totoo lang, tingin ko naghahanap lang ng paraan si Aira para maisahan ako at malibre siya.
"Ano ka ba, siyempre naman no. I mean, oo, parang normal na para sa atin kapag nalaman mo yung element mo. Pero kase, isa kang Blaze at fire element ka pa! Ibig sabihin isa ka sa mga pure bloodline ng mga Blaze!" Singit ni Avisa habang binabasa ang isang libro--"Elementor: The history". Basa ko sa cover ng libro na binabasa niya.
"Sigurado akong madaming pang mga Blaze diyan na fire element din. Hindi naman siguro ganun ka-special kapag fire element ako." Sabi ko habang kinukuha ang letter mula sa Elementor para tignan ang mga librong kakailanganin ko.
"Hmmm, hindi rin." Sagot muli ni Avisa sa akin habang pinapakita ang nakita niya sa libro na binabasa.
Sa akin pinapakita ni Avisa pero siyempre itong si Aira pa ang nanguna na basahin iyon. Tsismosa talaga ito kahit kailan.
"Ay hala! Oo nga no! O Iggy, LIBRE NA YAN!!!" Sigaw bigla ni Aira sa nabasa niya sa libro kaya naman tinakpan ko ang bibig niya dahil nakakahiya naman sa ibang tao dito.
Tinignan ko na rin ang pinapabasa ni Avisa dahil kitang-kita sa mukha ni Aira na malilibre ko siya ngayon.
" Magnum Blaze-One of the Five Founders of the well-known school, Elementor. Compared to the other Founders, Blaze is among the ones who has the most tricky bloodline. To guess what element you have whilst being a Blaze is something a fortune-teller can do. Meaning only a few of the bloodline gets the fire element. That's why only a few people have the fire element. Being born in a Blaze family means you have a higher chance of acquiring the other parent's power e.g. Having a fire element father (A Blaze) and a water element mother means you have over 50% of being a water element."
Wow. So tama nga sila Avisa at Agwa, I guess that's a reason to celebrate. Tinignan ko silang dalawa at nakuha agad nitong si Aira ang atensyon ko. Abot tenga ang ngiti! Parang batang nakakuha ng bagong laruan.
"Manlilibre ka ha! Ayun oh gusto ko yun! Ay teka parang maganda ito ah. hala! Ano yun? Tara tignan natin, wait nga lang parang maganda ito ah." Sunod-sunod na pagdadaldal ni Aira. Hindi pa nga ako pumapayag nagturo-turo na agad itong lokong ito.
"O sige na nga. Pero isang bagay lang ililibre ko ha!" Sagot ko kay Aira na hindi na magkanda-ugaga sa paghawak ng mga gamit sa kamay niya.
Nakita ko naman si Avisa na nandoon pa rin at nagbabasa ng mga libro. "Huy, hanap ka na rin ng sayo oh, libre ko na." paggulo ko sa pagbabasa niya.
"Ah, sig--" hindi pa tapos sa sasabihin ni Avisa hinila na agad siya ni Aira at nahulog pa ni Avisa ang librong binabasa.
"Avisa! Tingin mo anong mas maganda sa dalawang ito? Parang maganda ito oh kaso parang mas gusto ko ito, ano sa tingin mo?" sabi ni Aira habang pinapakita kay Avisa ang dalawang libro na hawak.
Habang nag-uusap ang dalawa kahit halos si Aira lang ang nagdadaldal, pinulot ko ang libro sa sahig dahil dumadami na ang mga tao at baka matapakan pa.
Sa pagpulot ko sa libro ay nakita ko agad ang nakasulat doon.
"The unknown element"
Basa ko sa nakasulat doon. Ito kaya yung tinutukoy ni Aira na fifth element noon?Dahil naghahanap pa naman ng bibilhin sila Aira ay binasa ko na lang din. Halos walang nakasulat na impormasyon sa kung saan o sino ba ang Fifth founder. Puro mga hula lang pala. Pero may iisang linya daw ang iniukit sa pader ng Elementor na sinasabing gawa ng isa sa mga founder na tungkol sa fifth element.
BINABASA MO ANG
Elementor-School Of The Elemental Folks
AdventureA story about a boy trying to discover the power he has that seemed to always make him wonder about his identity inside the elemental school,Elementor,and along his journey,challenges arises, problems increase, and friends are made. But the biggest...