Dumating ang Sabado at maaga muli ako nagising dahil sabi nila mama na ngayon kami bibili ng mga gamit para sa Elementor.
Muli kong naramdaman ang malamig na ihip ng hangin sa aking kwarto. And I immediately knew it was Aira.
"You could've just knocked at the door, you know?" sabi ko habang inaayos ang aking mga gamit sa aking lamesa.
"It's a good practice for my power. Alam mo, dapat nagsisimula ka na rin sa paggamit ng powers mo para medyo madali mo na lang ito magamit sa Elementor.
"E hindi ko pa nga alam kung anong element ang meron sakin eh." Water si mama, fire si papa ibig sabihin pwedeng maging fire or water ang element ko.
"Oo pala, why not try it" muling pagsagot ni Aira.
Bat ba palaging may sagot to. Inisip ni Iggy.
"Kailangan mo rin malaman kung anong element ka kase halos lahat ng mga gamit natin ay nakadepende dun. Lalo na yung pendant." dagdag ni Aira.
As i was just about to ask her how I can find my element, a knock on the door came.
"Anak, maghanda ka na aalis na tayo! Tawagin mo na rin yung mga Breeze at sinabi mo na sasama sila diba" wika ng Papa ni Iggy.
"Sige po, pa." I said while looking at Aira. "oh, handa na daw kayo aalis na tayo" wika ni Iggy kay Aira.
"Sige, byeeee" huling sinabi ni Aira bago siya lumaho muli.
Naiwan muli ako magisa saking kwarto at naalala ko muli ang sinabi ni Aira kanina. Kailangan ko ng malaman ang element ko dahil nakadepende pala dun ang mga gamit na bibilhin ko.
I rush downstairs to ask my parents, baka alam nila kung anong element ko.
"Ma, ano po ba yung element ko? Kase napansin ko po na water element ka at fire element si papa." tanong ko kay mama na naghahanda na ng mga gamit
"hala! Hindi mo pa ba alam?! Naku dapat alam mo na yan bago pa tayo umalis." tumingin si mama sa orasan. "wlaa na tayong oras, kailangan mo na lang malaman dun mismo.... Kung sakaling water element ka tulad ko mag dadala na lang ako ng pamunas, at kung fire element ka naman... Jusq asan ba ang tatay mo, , basta magingat ka na lang ha." dagdag ng mama ni Iggy na halatang alalang-alala para kay Iggy sa panahong malaman ni Iggy ang element niya.
Naghahanda na sila mama sa kotse at kinatok ko na ang mga Breeze. " Tao po, Aira aalis na tayo" sabi ko na may paggalang sa tono.
Bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Aira. "ay wow, pinamukha talaga sakin na kumatok na lang talaga eh hahahahaha. O sige susunod na kami."
Ang aga aga umiiral pagka korni nito ah. "Sige, see you." sabi ko bago pumunta sa aming kotse at umalis. Nakita ko na ring nagsipasukan ang mga Breeze sa kanilang kotse. Bakit hindi na lang kaya sila pumunta dun gamit yung "paglaho-powers" nila. Pinilit siguro ni Aira na sumabay samin.
Makalipas ang ilang oras sa biyahe, nagusap bigla si mama at papa.
"Seryoso? Anak hindi mo pa alam kung anong elemento mo?" tanong ni papa habang nagdridrive at nakapokus pa rin sa daan.
"eh opo, pero kung fire po ang elemento ko, ano pong mapapayo nyo?" Tanong ko sa aking ama para malaman ko ang gagawin ko, kung sakali.
"Basta wag na wag kang lalapit sa mga bagay na madaling masunog....wag mo akong gayahin, nasunog pa yung damit ng kasama ko nun hahaha." sabi ni papa habang nakatingin kay mama. Hula ko, damit ni mama nun ang nasunog nya dahil sinamaan ni mama ng tingin si papa at tumahimik naman si papa bigla kaya naman ay napatawa ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Elementor-School Of The Elemental Folks
AdventureA story about a boy trying to discover the power he has that seemed to always make him wonder about his identity inside the elemental school,Elementor,and along his journey,challenges arises, problems increase, and friends are made. But the biggest...