Chapter 19

12 1 0
                                    


"Sorry na oh. Ito naman pabebe pa eh. Tara nalang pasyal gusto mo? Shopping libre ko ni piso wala kang babayaran promise. Pwede din food trip tas nood sine sa kwarto mo or sa kwarto ko naman, huwag kang mag aalala si kuya Tyler naman nag babayad ng Netflix mo diba. " paglalambing ni Kuya Therd.


Nandito kami ngayon sa may pool side, walang pasok dahil sabado na at dalawang araw niya akong natiis na hindi kausapin. First week of December na ngayon. Kumakain ako ng Apple na may suka at sili. Samantalang siya eto ginagawa ang lahat para lang pansinin ko siya.



"Talaga? Maski piso wala akong babayaran?"
Tanong ko. May bibilhin kasi ako eh pang Christmas party dahil karamihan sa closet ko mga dress at hoodie.


"Oo promise teksman mamatay man si batman" tinaas niya ang isang kamay na nangangako.


"Teka magbibihis lang ako" sabi ko sabay takbo sa hagdan at pumasok sa kwarto para makapagbihis. Nag suot lang ako ng black high waisted shorts at tshirt na blue para madaling sukatin ang mga bibilhin ko mamaya. At flat sandal na black din.



Sasabihin ko na gusto ko din mag food trip. Minsan lang ito mangyari, minsan lang siya nanlilibre kaya lulubuslubusin ko na to.



Nandito na kami ngayon sa sasakyan niya. Nagpaalam naman kami kay ate Cora since wala naman sila Kuya Tyler nasa flight na. Nagpabili lang si ate ng balot daw yung hilaw para daw mas mura.



"Seatbelt mo" sabi Ni kuya nang palabas na kami ng Gate.

"Yes master"

Nag sound trip muna ako dahil sa ayala daw kami ngayon. Pero hindi gaano malakas dahil nagkwekwentuhan kami.

"Buti naman natiis mo ganda ko ng dalawang araw?" biro kong tanong.

"Akala mo lang haha nag practice pa ako ng pag sorry sayo eh"

"Grabe naman yan! Hahaha"

"Sorry Zoe nagalit lang ang kuya dahil hindi ka nakikinig sa akin"

"Its okay. May libre naman na ako mamaya eh"

Pagkatapos namin magpark ay dumeretsyo na ako sa forever 21 para mamili ng magandang outfit. Na kasunod lang si kuya sa akin na abala sa cellphone niya at palinga linga sa paligid na parang may hinahanap. Hinintay ko muna siyang naka dating sa pwesto ko.


"May kikitain ka ba kuya? Sino yan ha.... May chicks ka na ba. Nagtatampo na ako hindi mo sinasabi sa akin ah." sabi ko kaya naagaw ko ang atensyon niya. Inakbayan niya ako at pumasok na kami sa store.

"Wala Crush lang haha" sabi niya na nagpagulat sa akin. May crush din pala itong taong to.

"seryoso? Well hindi ka crush nun ang pangit mo eh. Ang pangit din ng pormahan mo" sabi ko at pumunta na sa mga damit para mag tingin tingin ng maganda. Ramdam kong sinundan niya ako.

"Seryoso? Pangit nga? Pilian mo naman ako oh"

"Bahala ka jan"sabi ko at pinagpatuloy ang ginawa.

Hindi ko din lang siya na tiis at ako na din ang pumili ng mga outfit niya. Nag tagal kami sa Mall dahil lahat ng store nilibot ko kaya nayayamot na yung kasama ko. Ngayon papunta na kami ng parking, nung malapit na kami sa sasakyan ay napatigil ako sa nakita ko.

Si Kyler may kahalikan na babae sa sasakyan niya. Parang may nangyari ng ganito noon hindi ko lang sure. Kita ko dahil bukas ang bintana ng driver seat. Hindi ko alam pero nung umayos na ng upo si Kyler ay tumawa silang dalawa. Yung babae ay si Steffa. May naramdaman akong sakit sa puso ko dahil sa nakita pati na din ang galit na hindi ko naman dapat maramdaman . Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo, natahuan lang ako nang tawagin na ako ni kuya. Kaya pumunta na ako sa sasakyan niya at agad umupo.

"Seatbelt mo hoy, lagi Kong sinasabi sayo" sabi Ni kuya nang pumasok na din siya. Inayos ko na ang pagseseatbelt na hindi umiimik . Nasa backseat ang mga pinamili namin.

"Anyare sayo? Oo na food trip na"

Hindi ko pa din siya pinansin at inabala nalang ang sarili sa pagscroll sa Facebook. Ayaw kong tumungin sa paligid lalo na dito sa parking area dahil nga sa nakita ko.

Oo wala kaming label pero diba dapat isa lang ang dapat niyang ligawan? Dahil kung dalawa, ibig sabihin nun dalawa din ang gusto niyang maging jowa. Ang pangit naman ata ng ganun. Dapat ko na ata siyang iwasan dahil baka mamaya sila na pala, ayaw ko naman maging kabit ganun, maging karibal. Siguro nga ganun nalang ang gagawin ko.


"Para kang tanga Jan.... Kanina mo pa tinititigan yang cellphone mo eh hindi naman nakaopen. Anyare ba sayo ha?" umayos ako ng upo at nilagay sa dashboard ang cellphone ko. Kanina pa pala ako na ganun ang pwesto.

Nasa daan na kami pauwi, traffic nanaman. Magagabi na, 6:01 na ng hapon. For sure nagpreprepare na ng dinner ang mga nasa bahay. We usually eat dinner at 7 pm. Then midnight snack pag gutom. Tatawagan ko si Mommy bukas kung nakabili ba siya ng regalo ko.


Music lang ang ingay sa sasakyan, minsan, sinasabayan ni kuya ang music. Sumasabay din ako lalo na kapag pang sad song yung kanta.

Pagkadating namin sa bahay ay kinuha ko na agad ang pinamili namin at pumunta sa kwarto para ilagay ang mga yun. Iniwan ko din ang phone ko dun dahil pupunta ako kay Saria.


"Andito na ang Tita ninang mo oh.... Asan yung pinabili ko sis?" tanong ni Ate sa akin na hawak ang pamangkin ko.


"Nasa baba ate. Nasa kusina na. Isang dosena na ang binili ni Kuya kanina para daw mag sawa ka"sabi ko habang kinukuha ang pamangkin ko sa kanya.

" Bobo ba ang kuya mo!? Sira ulo talaga yun. Magiging itik na yun kapag mag tagal! Jusme kung kakainin ko yun lahat, baka mahighblood na ako.Teka at bibigwasan ko yun. Ikaw muna bahala sa pamangkin mo " sabi niya at lumabas na ng kwarto ni Saria.


"Galit nanaman ang mommy mo. Delikado ka paglaki mo" sabi ko sa pamangkin kong nakatulog ngayon sa mga bisig ko.

Sinayaw ko muna siya ng ilang minuto. Bumalik din si Ate kanina para sabihin na dito muna daw ako at tutulong daw siya sa pag luto, pati daw ung balot na binili namin. Narinig ko din kanina na pinagalitan niya si Kuya. Kaya tumatawa ako mag isa dito kanina.

Binaba ko muna si Saria sa crib niya dahil nangangawit na din ako at naiihi na. May cr lahat ng kwarto dito sa bahay kaya may cr din siya dito dahil hanggang paglaki niya ay dito ang kwarto niya.


Since ayaw ko naman iwan ang pamangkin ko dito ay nagstay muna ako dito gaya ng gusto ni Ate. Nanood muna ako ng TV dahil nasa kwarto naman ang cellphone ko. Humiga muna ako sa kama dito na may mga stuffed toys.


Nakalipas ng ilang minuto ulit ay naiihi nanaman ako. This time may dugo na ang underwear ko, which means na meron ako ngayon. Iniwan ko muna si Saria dahil natutulog naman siya. Pumunta ako sa kwarto para icheck kung may pads pa ba ako pero ang malas dahil wala na! Eh ang layo ng convenient store at wala naman kantina dito sa Village.


Agad akong pumunta sa hallway at nakita ko si kuya sa baba kaya sinigawan ko nalang siya dahil mukhang aalis dahil hawak niya ang susi niya.

"Kuya wait!!!" una kong sigaw na pababa na ng hagdan. "Bilhan mo ko napkin!" sigaw ko ulit na ngayon ay nasa baba na ng hagdan.

Gulat siyang tumingin sa akin at sa living room kaya tinignan ko din ang tinitignan niya.


Gusto ko nalang maglaho bigla at huwag na mag pakita. Dahil nalaman ko kung sino ang nasa sofa namin ngayon.
Para akong nakakita ng bangkay sa sobrang gulat. Nakakahiya yung sinigaw ko! Jusmeyo meron pa yung mag jowa na nakita ko kanina sa mall!

SI Kyler, Steffa, mga magulang at ang kapatid niya! Mukang kadarating lang nila. My gosh. Oo nga pala nasabi niya noon sa akin na pupunta sila dito para bisitahin si Saria !!!!

Lupa, kainin mo na ako, ngayon din!!!

Lies And Secrets (Marcestra Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon