Chapter 41

8 1 0
                                    

"Saan ka ba sasakay? Eh diba kayo nila Asher sa sasakyan mo?" tanong ni Steffa sa akin. Nandito kami sa pinto naghihintay ng sundo. Kagabi pagkatapos ng tawag namin ni Zoe ay dumating sila Cy at kinuha ang sasakyan ko. Ewan ko ba sa mga yun.

"Kay Zoe lang ako" Sagot ko. Nakapang Beach short at plain white tshirt lang ako. Syaka nakacrocs,syempre black favorite eh.

"Edi wow, bye na nanjan na sila Lara"
Sumakay na siya at kumaway naman ako sa kanila. Saktong dumating din si Zoe mga ilang minuto lang.

I put my shades on and act handsome. Kahit di ko naman na kailangan mag act ay pogi pa naman ako. Lumapit ako sa sasakyan nya nang huminto ito sa harap ko. Kinatok ko ang salamin ng passenger seat.

"Hi miss, do you mind me to join you?" kunwari kong tanong .

"Dami mong alam. Get in"

Hindi na mabiro si first kiss eh.

"Nagugutom ako" parinig ko. Nasa byahe na kami.

"Kuya Therd packed me a breakfast. Get it in my bag. I am still full"

"Meron na siya??" gulat kong tanong. Hindi man lang mangamusta nun.

"Yeah"

"Sayo na lang yun. Joke lang na gutom ako. Ako na ang mag drive" alok ko.

Ang bagal pala magmaneho eh. Pero okay na okay sa akin dahil matagal ko din siyang makakasama . Gusto ko lang naman na ako magdrive para sa ganun ay makakain siya.

"I can drive, just open the music please" sabi niya at nasa kalsada ang mga mata.

Ako, nakatitig lang sa kanya. Hinding hindi ako magsasawang titigan siya ng ganito.

"Ayaw mo bang kantahan nalang kita?"malunay at lambing kong sabi. Tumingin naman siya sa akin na galit pero nangingibabaw pa din ang pagkagulat. Cute naman ng Architect ko.

" J-just open... "

" Okay, if you wish to wifey"

.............

"Bakit nga pala nawala si kuya Therd?" usisa ko.. Medyo malapit na din kami. Mga 30 minutes na lang siguro.

"It's not my story to tell eh. Just ask him na lang"

"Nahahawa ka na talaga sa pagiging conyo ni Chloe ah" tawa ko.

"Best friend ko eh"

"Can I court you?" biglaan kong tanong. Hindi ko maiwasan maging mabilis. Maikli lang ang buhay at ilang taon na din ako no.

Kita ko ang pagkagulat niya at na tahimik siya. Kaya hinayaan ko na lang muna. Ready naman ako mag hintay. Syaka baka nga sila na ni Dewie. Sana nandito nalang ni Martha para mag jowa kami ni Zoe kahit fake lang.

Nakarating na kami at agad pumunta sa sari sarili naming villa. Gaya ng dati, magkakasama ang mga babae. Dami na din nagbago sa resort at nakakamangha. Agad nag aya sila Chichi mag jetsi. Mga excited putchapa.

Hinayaan ko muna sila mag enjoy dahil may tumatawag sa phone ko. Si Gail.

"Kuya, nakita mo ba ang shopee ko?"

Yun lang naman pala eh.

"Hindi"

"kuya naman nasaan kasi?"

"Wala nga sa akin Gail. Kulit mo naman eh"

Kita kong nakatingin sa akin si Zoe. Chill misis ko. Kapatid ko ang kausap ko.

"Okay kuya"

Naisipan kong pagselosin si Zoe kaya...

"I love you" malambing kong sabi kay Gail. Nilakasan ko para marinig ni Zoe.

Lies And Secrets (Marcestra Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon