Chapter 36

11 2 0
                                    


" You're one hour and forty minutes late , Engineer" bungad ni Zoe sa akin nung nararating ko lang sa site. Nasa parteng Quezon province ito kaya medyo malayo sa centro. Mas madaming lote kasi dito na pwedeng pagtayuan ng mga business.

Mga alas dos na ako nakauwi dahil napadami kami ng kanta at inom ng mga kabanda ko. Nahihilo pa nga ako eh , kung pwede lang sana mag absent ngayon pero hindi naman pwede . Nagsimula na ang constraction sa pamumuno nung porman . Pero ako pa din ang titingin dito. Madami silang tauhan kaya mapapadali lang siguro to.

" Sorry, nag aadjust pa kasi ako sa time ng pinas. Traffic din . How's the construction?" medyo antok kong sabi. Nakaattire na ako ng pang civil engineer. Nakapants lang din si Zoe and white longsleeve polo.

" I think I should be the one to ask you that ,since you're the engineer here right?" oo nga no?

" Yeah right , I'll just check it"

" I'll go with you"

" O-okay"

Maayos naman ang lahat, pero tinutukan ko pa din sila. Since unang palapag ang trinatrabaho nila at alam nating lahat na dapat yun ang pinakamatibay dahil siya ang magbubuhat ng mga ibang palapag. Parang kaklase mong pabuhat sa research. Ano konek?

Nag pictorial pa kanina para daw sa documentary. Pogi pa rin naman ako kahit may hang over eh kaya feel ko pogi din sa ako sa picture. May oras pa na parang umiikot paningin ko dahil sa init ng panahon at kulang sa tulog pero hindi pa din ako umalis sa trabaho dahil yun naman dapat talaga ang gagawin ko. Naglulunch na ang mga trabahador pero mas pinili ko pa din na mag trabaho muna ako dahil kailangan ko icheck lahat ng mga materials na gagamitin. Ang ending halos mahilo na talaga ako.

"Sir, magpahinga muna po kaya kayo? Halatang nahihilo na kayo eh" sabi ng isang trabahador dito. May kanyang trabaho din kasi ang mga ibang engineer sa project na ito at iba din ang trabaho ko.

"Sige, balik ako mamaya. 5 minutes lang to" sabay tapik sa balikat niya bago umalis. Saan ba ang tent ko dito? May lunch din kaya ako? Hala si Mama kasi hindi ako binaunan. Luh parang bata Kyler, putchapa.

"Ammm excuse me Miss, alam mo ba kung saan ang tent ng engineer?" tanong ko sa babaeng nakita ko lang sa gedli gedli.

"Civil po ba?"

"Ahh oo"

" Sa tent po ni Maam Zoe po, nasa rules po kasi ng Company nila yun na dapat laging magkasama ang civil engineer at architect lalo na kapag malaking project po. Samahan ko nalang po kayo" sumunod naman ako sa kanya. May ganun na rule? Bat dun pa? Syaka nasan pala yun?

" Salamat" sabi ko kay Miss pagdating namin sa tent na sinasabi niya. Malaki naman kahit papano. Mukhang naready na ang mga tents noon pa dahil may aircon.

Pagpasok ko ay mata agad ni Zoe ang nakita ko. Gulat siyang makita ako pero agad din nakabawi at tumingin sa ginagawang plate. Magkabilang mesa pagkapasok, sa right side ang akin at may pagkain sa mesa ko na cinoveran ng plastic . Sa gilid ng mesa ay folding bed na may unan at kumot, ganun din sa kanya. May maliit na kusina sa likod at pintuan, sure akong cr yun. Sementado ang floor. Siguro ang kama is kapag nahihilo or over time or something like that.

" Sorry late ako kanina, aagahan ko nalang bukas" sabi ko habang tinatanggal ang safety helmet at umupo na din, sobrang sakit ng paa at ulo ko.

"It's okay. How it was going? Mamaya pa kasi ako lalabas ulit dahil may ginagawa pa ako" nasa ginagawa pa din ang mga mata. Samantalang ako sa sinandal muna ang likod sa upuan at ang mga mata ang nasa kanya.

" Okay naman. Lunch?"

" Tapos na" tumango lang ako at na isipan na kumain. Para akong patay gutom na sobrang bilis kumain. Nahihilo pa din talaga ako. Sa tingin ko ay kailangan ko matulog pero hindi pwede. 5 pm pa ang tapos ng trabaho.

Lies And Secrets (Marcestra Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon