Chapter 13: " MAKE OVER"

0 0 0
                                    

Nagising ako ng mas maaga sa sinet naming alarm, Naligo na din ako total 5:30 pm na naman. Pagkalabas ko ng rest room sya namang paggising ni Julia.

"Reign, nakaligo ka na agad?
Di ka naman excited ano Hahaha" pang iinis nito

"Malamang nauna na ako, diba nga kasi ikaw mag aayos sakin"

"Ayy Oo nga pala..
Give me a minute or two magpifreshen up din ako"

***30 minutes passed by

"Okay, oplan make over starts now.
Umupo ka na dito Reign" Julia commanded

" sigurado na ba tayo dito, kinakabahan ako ei" sambit ko

"Oo naman,
Wait at magpapatugtug ako para mas mafeel ko ang pag mimake up"

binuksan ni Julia ang speaker.
At sinumlan na pag mimake uo

~~give me a second I need to get my story straight
My friends are in the bathroom getting higher than the empire state
My lover he's waiting for me~~~

"Tonight... we are young
So let set the world on fire
We can burn brighter than the sun" napatigil si Julia sa pagmimimake up at sumabay sa kanta kahit na sintunado talaga sya at Lumipas na ang 30 minutes

"Taaadaaaa tapos na" masayang tinig ni Julia

I look at myself in the mirror, and I was shock seeing myself on make up .

"Ako ba talaga to" pagkamangha kong tanong

"Yes Reign, your'e naturally beautiful and those make up made you even more beautiful., magmumukha akong chimay nito dahil sa ganda mo HAHAHAHA"

"Mag aayos na din ako ng sarili ko.
Wag mong guguluhin yang inayos ko sayo huh. Mabilis lang to"--Julia

Natapos na si Julia at nakabihis na rin ito

"Reign, ano ba yan? Bakit di ka pa nagbibihis? Malilate na tayo"--Julia

"Ayoko ng mag attend bilang si Rain
Pwede bang bilang Reign nalang" malungkot kong iwinika

"Di pwede, you promised him diba. At kilala kita you never broke a promise, kahit nga sa dad mo, di mo binabali ang pangako mo na magpapakalalake ka"

"Iba naman yung kay dad, sanay na ako bilang si Reign.. pero"

"Pero ano! Gusto mo din naman talagang maging babae diba.? Take the risk or lose the chance?"

Napaisip ako sa sinabi ni Julia
Take the risk or lose the chance, minsan lang to and dad will never know about this. Kaya nagbihis na ako at humarap kay Julia

"Waaaaahhh ang ganda ng masterpiece ko" patalon talon pa si Julia

"Waitt, bakit ka nakapaa. Mag hills ka!"--Julia

"Sinuot ko sya kanina, pero di ko mabalanse, tsinelas nalang pwede?"

"Anong tsinelas, ang ganda ng pagkaka make up ko tapos magtitsinelas ka lang. Hampasin kita nitong bag ko. Gigil mo ako!"

"Ehhh sa di ko ng mabalance ang taas naman kasi ng 3 inches na hills" pagdadabog ko

"Wait, meron pala akong 1 inch na hills sa kotse. Magtsinelas ka na muna, doon mo nalang suotin sa kotse yung hills ko" may paghawak pa si Julia sa ulo nya na para bang nag iisip

"Salamat naman at di na ganun kataas"

"Oh ano. Ready ka na?"

"Andyan ka naman ei. Siguro ready na ako" pilit akong ngumiti

Sumakay na kami sa kotse at inabot nya ang hills nya. Kumportable ako dito kaya di na ako nagreklamo pa..
7:30 na at nasa harap na kami ng gate ni Jb. Bumaba na kami at naglakad patungo sa mismong venue ng party, papalapit kami ng papalapit sya naman pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Back out na tayo, sobrang kinakabahan ako! Pakiramdam ko mas malakas ang tibok ng puso ko kaysa sa tugtug na nanggagaling sa sound system"

"Mahahampas talaga kita Reign, di na ng bag kundi ng hills ko. Andito na tayo ei.! Let's make the most out of it na!" Sabi nito ng nakapamewang pa.

Tinuloy namin ang paglalakad at naaninag ko na kaluluwa nila Lance at josh pero si Jb di ko pa nakikita,

"Oyyy Julia, sya na ba si Rain? Ang kambal ni Reign? Tanong ni Josh

"Yes, si Rain na yan!
Reign asked me a favor na mauna na kami dito"--Julia

"Nice to meet you Rain" maypaghalik pa sa kamay ko itong si Josh

"Nice to meet you too" maikli kong tugon sakanya ngunit sa loob loob ko nais ko nalang lamunin ng lupa para makawala na sa kalokohang pinagagawa namin ni Julia

"Hi Rain, it's me Lance!
Nice to meet you" nagabot ito ng kamay para makipagshake hands

"Hi Lance, kinalulugod kong makilala ka" kinakabahan man ako, mas pinili ko pa din sumagot ng nakangiti.

"Hi guys. I'm Julia. Pansinin nyo din naman ako! Magtatampo na ako ei" kunwari itong nagtatampo

"Hahahah sawa na kami sayo Julia. Ang sakit mo na sa mata" pang iinis ni Josh kay Julia

"Arayyy! Na hurt ako sobra! Di ko na kayo mahal" may pairap effect pa ito

Nagtatawanan kami nang sinwitch ng operator ng sound system ang tugtug sa kantang narinig ko na kay Jb but in low volume

~~Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me~~

"Ladies and Gentlemen Good evening!
I would like to call on everyone to please gather here on the venue because we will be starting the program at any moment. Thank You!" pag aannounce ng MC

Ilang minuto pa nakita ko na papalapit na si Jb saamin and My heart fastly race and in a moment everything turns into slowmo even the music

~~You can't go to bed without a cup of tea
And maybe that's the reason that you talk in your sleep
And all those conversations are the secrets that I keep
Though it makes no sense to me...~~~

MR. SHEWhere stories live. Discover now