chapter 1: "SIMULA"

7 0 0
                                    

"Reign pinapatawag ka na ni dad, aalis na tayo". Sigaw ni kuya Vince mula sa dulo ng basketball court.

Tumango na lamang ako bilang tugon.
At naglakad papunta sa sasakyan nakaparada sa tapat ng bahay.

"Sakay na" ani ni dad.

Napatigil ako sandali, lungkot at inis ang nararamdaman ko, ewan ba naman kasi kay dad at pang limang beses na tong lipat bahay ngayon taon. Kailan ba matatapos ang paglilipat na to?

Takipsilim na ng nakarating kami sa bagong bahay. At kanya kanyang tumungo sa aming silid at namahinga.

Kinaumagahan...

"Panibagong umaga sa bagong bahay" wika ko at daling tinungo ang kusina.

"Tanghalina na Reign. Ihahatid ka ng kuya Vince mo sa bago mong paaralan."
-dad

"Paaralan?" Gulat kong sambit.

"Oo, bago pa tayo lumipat ei naasikaso ko na ang paaralang lilipatan mo. Kaya't magmadali ka na at mahuhuli ka na sa pasukan."

"Haist, oo nga pala
Pasukan na. Ang utak ko nasa bakasyon pa din."

Nagmadali ako at sumakay sa kotse,

"Tara na kuya"

"Ikaw magdrive Reign, di ibig sabihin na ihahatid kita ei ako driver mo, sasamahan lang kita para alam mo kung saan ang paaralan mo"

"Kuya naman, wala pa ako sa mood pumasok ei"

"Reign, oo baby ka namin pero gusto ko na matuto, alalahanin mo nasa kolehiyo ka na."

"Oo na kuya" at inistart na ang kotse

Narating na namin paaralan
Mas malaki ito sa unang paaralang pinasukan ko.

"Okay Reign, goodluck sa first day mo.
Behave ka huh!"-may paghimas pa si kuya sa ulo ko na para akong bata

"Kuya naman, mabait ako alam mo yan"pakindat kindat na sagot ko dito
At bumaba ng sasakyan.

Agad naman akong pumunta sa unang klase ko, naibigay na rin kasi sakin ni dad ang schedule ng pasok ko at kung saang building at classroom kada subject.
Ito ang SIMULA...

Ito ang SIMULA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MR. SHEWhere stories live. Discover now