Chapter 6: "HEART PALPITATES"

1 0 0
                                    

Maaga akong bumyahe papuntang school, nabibingi kasi ako sa talak ni Manang Josie kanina.
Si manang ay kasama namin sa bahay mula pa ng mga bata kami, kasama nya ang asawa nyang si Manong Bert. Hindi sila biniyayaan ng mga supling kaya kami ang tinuring nilang mga anak.Sila ang nagsilbing magulang namin lalot laging nasa business trip ang daddy.

Biglang nag color red ang traffic light kayat huminto muna ako at muling kong naalala ang sermon ni Manang kanina.

"Kakauwi mo lang Vince! di ka man lang nagpaalam na mawawala ka ng ilang araw, Diyos ko po.. akala ko di ka na uuwi.. Muntik na akong tumawag sa daddy mo na nawawala ka! Ano ba naman bata ka!" Galit na sabi ni Manang kay Kuya

"Manang nagsabi ako kay Reign, di nya ba sinabi sayo?"

Nagkataon naman nag aalmusal ako ng dumating si kuya, kayat sakin nabaling ang galit ni Manang

" bakit di mo sinabi sakin Reign huh!!
Ayan palibhasa wala ka ng ginawa kundi mag inom at gumala kung saan saan.
Diyos ko po mga bata to aatakin ako sainyo"

Di to matatapos kaya mas minabuti kong tumayo na lamang at magpaalam na aalis na

"Manang, sorry na! Wag ng magalit! Sige ka papangit ka at tatanda lalo" nakangisi kong saad dito

"Tigilan mo ako sa pagpapa cute mo Reign, alam ko na pogi ka pero di ako nadadala sa paggayan mo"

"Ikaw bahala Manang, pero aalis na ako at baka Mahuli pa ako sa klase"

At agad akong umalis kahit na nagtatalak pa si manang.

Napapangiti nalang ako pag nagtatalak si Manang kahit papano ramdam ko na may nagmamahal saamin na magulang.
Nagbalik ang urilat ko ng businahan ako ng kotse na nasa likod ko

"Shit! Kanina pa pala green ang traffic light"
Mabilis kong pinaandar ang sasakayan at narating ko na din sa wakas ang School.

naglalakad ako papuntang classroom ng may naririnig akong naggiguitara at kumakanta

~~~I looked at her and have to smile
As we go driving in the car
Looking nowhere in the open window of my car and.....~~~

Patuloy pa din ako sa paglalakad ng marating ko na ang classroom, napahinto ako sa may pinto at tiningnan ang taong kumakanta.
It JB, ang sarap pakinggan ng boses nya, nakakarelax damn!

~~~and Ive got all what I need
Driving in the passenger sit....

"Hoyyyy Reign, bakit di ka pa pumasok" sigaw ni Jb

"Ahhh... kasiii ...
Ahh may tinitingnan lang ako"

"Sino, ako HAHAHAHA nakita kita titig na titig sakin, nababakla ka na ata huh HAHAHAHA"

"Ulol! hahaha ituloy mo na yang pagkanta mo"

"Ako magigitara, ikaw kumanta"

"Ikaw nalang. Masisira pa ang moment mo HAHAHA"

"Sige ako nalang. Pangit din naman boses mo Hahahaha" patawatawang sabi nito

At pinagpatuloy nya ang paggitara at pagkanta.Kinabahan ako doon pero dahil magaling ako sa pasegway kaya nairaos ko na naman ang usapan but then Jb made my HEART PALPITATES.

MR. SHEWhere stories live. Discover now