Chapter 26

69 3 0
                                    

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya. Gulat na gulat ako at hindi ko alam kung paano at ano ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin ni kuya na joke lang 'to. Hindi pwede, at kahit kailan ay hindi magiging pwede.

"Kuya kakatapos lang natin mag iyakan ngayon naman papatawanin mo 'ko," kahit kinakabahan ay mahina akong tumawa.

"Ganyan din ang reaksyon ko nang malaman ko...Nagulat rin ako nang aminin niya sa akin na hindi na niya ako mahal dahil si Jav na ang mahal niya. Nagalit ako, pero inisip ko mabuti si Arvie. At doon ko narealize na kaya ko syang palayain para sa ikakasaya niya." tipid syang ngumiti sa 'kin.

Alam ko kung gaano ka close si Jav at ate, pero hindi ko akalain na may nararamdaman na pala siya toward Javris. Kaya ba sila naghiwalay? Hindi ko kayang iproseso sa utak ko ang lahat.

Bigla kong naalala na ilang araw din namin nakasama ni Javris si ate Arvie noon. 'Yon na ba 'yon? Mahal na ba niya si Javris ng mga oras na 'yon? Napaisip tuloy ako kung kanino galing ang discount na nakukuha namin sa Baristo, sa akin na kapatid ng ex ng may-ari o kay Javris na minahal ng may-ari?

"Nag decide ako na sabihin kay Javris na makipag hiwalay sayo para hindi masaktan si Arvie tuwing nakikita kayo na masaya. Hindi ko akalain na gagawin niya kahit wala akong maayos na rason. Pero dahil sa respeto niya sa akin bilang kuya mo kahit mahirap at masakit para sa kanya ay sinunod niya."

Naiiyak ako para kay kuya at humahanga ako para kay Javris. Hindi ko kayang magalit kay ate Arvie dahil sabi nga ni mama, pakinggan ko ang dalawang panig.

"I know how selfish I am, Maze. Sorry. Matagal ko nang gustong sabihin sayo pero nakita ko kung gaano ka kagalit kay Yanna nang malaman mo na nagkagusto siya kay Javris." tumulo ang luha ni kuya.

"Patawad, Maze. Natakot ako na kamuhian mo rin si Arvie kaya ginawa ko ang lahat para hindi mag krus ang landas niyo." nanginginig ang boses niya at puno nang pangungulila.

"Kuya..." Hinawakan ko siya sa balikat para pakalmahin.

"Wala akong alam sa ginawa ni Raizen pero sa akin nagsimula ang lahat ng gulo at sakin na nararamdaman mo." lalo pang lumakas ang iyak niya kaya mahigpit ko na syang niyakap.

Sa mga oras na ito ay dapat sumisigaw na ako kay Kuya pero hindi ko alam kunh bakit wala akong maramdaman na kahit na ano. Nakita ko noon kung gaano niya kamahal si ate Arvie...at nakita ko rin kung gaano siya nadurog nang maghiwalay sila.

Isang araw pumasok nalang siya sa kwarto niya at ilang linggo bago lumabas. Dinadalhan lang siya ng pagkain pero bumabalik na buo pa rin ang mga yon. Tuwing madaling araw ay nakikita ko siya lumalabas at bago sumapit ang umaga ay uuwi siya na lasing na lasing. Wala ni isa sa amin ang may alam nang nangyayari sa kaniya hanggang isang araw ay sinabi niya sa amin na wala na sila. Ilang beses namin tinanong ang dahilan pero tahimik lang siya at ayaw mag kwento.

"Nang punta ka sa Ilocos ay 'tyaka lang kami nakapag usap pagtapos namin mag hiwalay. Humingi siya ng tawad sa akin na pati ikaw ay nadamay." humiwalay siya sa pagkakayakap ko at nakatungo nalang at hindi ko alam kung anong itsura niya.

Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya.

"Love is selfless. kung totoong mahal mo ang isang tao kakayanin mo syang pakawalan kahit ikadudurog mo." tinignan niya ako sa mata at kitang kita ang luha niya.

"Sorry, Maze. Dahil sa pagmamahal ko kay Arvie ay nadamay kayo ni Jav. Sa kagustuhan kong huwag syang masaktan ay kayo ang nasaktan. Sorry." mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti.

"It's okay kuya, atleast dahil sa mga nangyari natuto ako. Salamat sa laging pag intindi, at salamat dahil kahit sobra na ang ugali ko ay hindi mo ako iniiwan. Alam ko na ngayon na sa tuwing nakikita mo akong umiiyak ay sinisisi mo ang sarili mo." sabi ko sa kanya sa mababang boses at ngumiti.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon