Chapter 19

58 7 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko na may nakahiga sa braso ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Jav na naka-upo sa tabi ng kama ko at hawak ang kamay ko habang nakatungo na natutulog. Sobrang bigat ng mata ko dahil sa pagiyak ko kagabi habang nag kukwento si Raizen.

Kahit narinig ko na ang side niya ay hindi ko pa rin kayang patawarin siya at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Parang lalong nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Siguro dahil ayaw pa rin sabihin ni Jav ang side niya. sobra sobra 'yung galit na nararamdaman ko, hindi ko alam kung kakayanin ko pa, ang sakit sakit.

Dahan dahan akong bumangon at naramdaman yon ni Jav kaya bumangon din siya. Napairap ako at barumbadong tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Maze, okay ka na ba?" halata sa mata niya ang pag-aalala.

"Hindi, kailangan ko nang umuwi." tumayo ako pero mabilis niya akong nahawakan sa palapulsuhan na naging dahilan para mapaupo muli ako.

"Magpahinga ka muna... Kamusta ka? Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag.

Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan ganyan mo. Explanation ang kailangan ko hindi concern. Hinatak ko ang braso ko sa kaniya.

"Ano nararamdaman ko? Galit Jav, galit na galit ako... Kung may masakit ba sa 'kin? Oo, sobrang sakit ng ginawa niyo. Pinaikot niyo lang naman ako, dinamay niyo ako sa mga kagaguhan nyo. Kaya pwede bang manahimik ka nalang? Kasi gusto ko nang umuwi. Hindi ko kayo kayang makasama huminga sa iisang kwarto. " napatigil siya sa mga sinabi ko.

Kaya ayaw ko nasasaktan at nagagalit dahil hindi ko mapigilan ang paglabas ng masasakit na salita sa bibig ko pati utak ko ay nagiging sarado at bato na ang puso ko. Gusto ko nanh umuwi dahil nandoon si kuya at alam kong siya lang ang kakampi ko.

Naramdaman ko ang hilo nang makapasok ako sa loob ng banyo. Nagpalit agad ako dahil may nakita akong paperbag na may laman na mga damit. Sa susunod nalang ako magpapasalamat kay Alyanna para sa lahat ng 'to. Paglabas ko ay hindj na ako nagulat nang makitang nandoon pa rin si Javris at nakaupo na sa kama.

"Hayaan mo na ihatid kita please..." hindi na ako nagsalita at tuloy tuloy na lumabas. Ramdam ko naman na sumunod siya.

Naabutan ko si Raizen at Yanna na masayang nagluluto.

"Maze kumain ka muna!" rinig kong sigaw pa ni Yanna pero hindi ako lumingon.

Kailangan kong umalis dito, hindi ko kaya na makasama silang tatlo sa loob ng iisang kwarto, dahil naaalala ko lang lahat ng ginawa nila sa akin.Sumakay ako sa elevator at sumunod naman si Jav at halatang halata na pagod din at puyat. Wala akong pakialam dahil siya naman ang may gustong ihatid ako.

Nang bumukas ang elevator ay nauna syang naglakad at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya kaya sumakay nalang ako. Buong byahe ay siya lang ang nagsasalita. Pinipilit nyang pagaanin ang loob ko sa pag kwento ng kung ano-ano pero walang pumapasok sa utak ko at hindi rin nawawala kahit konti ang galit at sakit.

"Dito nalang, ayaw ko na makita ka pa ni mama o kahit ni kuya." hininto niya ang sasakyan malayo sa bahay namin bago ako bumaba nang walang paalam. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako dahil nandito ang mga kaibigan ko.

"Maze," mabilis na tumakbo palapit sa 'kin si Kheila at niyakap ako. Sumunod din ang lahat at pinunasan pa ni Lgheim ang luhang hindi ko napansin na tumulo na pala.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Fy.

"Nag-alala kami sayo. Ilang beses ka namin tinatawagan at tinetext pero wala kaming response na nakukuha." bakas pa sa mata ni Xeilone ang eyebag na halatang hindi pa sila natutulog.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon