Chapter 14

66 5 0
                                    

"Ma, alis na po ako." niyakap ko si mama bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko.

Today is special day. Ngayon kasi ang araw na mag-pipictorial para sa billboard na nasa edsa. At kung sino ang ka partner ko? Hindi ko alam,  hindi na rin naman ako kinakabahan. 3years ko na rin 'tong ginagawa kaya sanay na rin ko. Kung hindi dahil kay mama ay hindi ako makakapasok sa industriyang pinaglalagyan ko ngayon.

Napadaan ako sa edsa at sobrang traffic, buti nalang at maaga ako umalis sa bahay at hindi ako malelate. Pero kahit naman siguro abutin ako ng tanghali sa daan ay hindi ako mababad-trip.

After 2hours nakarating din ako sa location. Mygod, buti nalang hindi na ako nag formal attire, kung hindi stress ang tela na susuotin ko. Ngayon pa nga lang na naka skirt and tube top lang ako init na init na ako. Sinuot ko ang shade ko bago bumaba at pumasok sa anim na palapag na building at ngumiti sa mga modelo. May mga ngumiti sa akin at paminsan-minsan ay tinatawag pa ang pangalan ko na ginagantihan ko rin naman ng malapad na ngiti.

Pumasok ako sa isang kwarto at nakakita ako ng iilang familiar na muka ng mga modelo,producers at directors. May mga mangilan-ngilan din na bagong muka akong nakita at ang iba ay mga nagulat pa nang makita ako. Mga halatang baguhan pa lang sila dahil tinuturo pa ang mga gagawin nila at pinipilit ngumiti kahit na halatang halata sa mga muka ang kaba.

"Hey Maze." nakipag besohan ako kay Brent nang makita ko siya sa loob at handa na sana lumabas.

"May pictorial ka rin pala."

"Yes, its a designers brand." may hawak pa siya na box ng pabango mula sa isang sikat na brand. For sure sponsored.

Ang laki na ng pinagbago ng isang 'to. Naalala ko na noong pumasok ako sa pagmomodelo ay isa rin siya sa madalas kong makita hindi dahil sa sikat siya kung hindi dahil lagi siyang nasa likod ng camera at nahihiya. Pero ngayon ay isa na siya sa pinakakilala at pinakamagaling na produkto ng Aviles Group. I admire him.

"O really? Goodluck." I tap him on his shoulder.

"Ikaw din." nginitian niya ako bago ako nilagpasan.

Nakaka-proud talaga kapag nakita mo ang isang taong umangat kahit hindi ikaw ang dahilan kung bakit sila nakapunta sa tuk-tok.

Deretsyo akong naglakad hanggang makarating sa harap ni ate Ara na kausap si direct Ady. Malapad agad siya na napangiti nang makita ako at nagpaalam sa Direktor. Excited naman nito parang hindi ako pinapagalitan gabi-gabi.

"Maze!" hinila agad ako ni ate Ara at pina-ayusan sa hair and make-up artist na personal nyang kinuha para sa akin.

"Are you ready?" nagulat ko sa biglang pag sulpot ng producer na si Jl kaya natawa sila pareho ni ate Ara.

Tatlong taon lang ang agwat namin pero isa na siya sa kilalang personalidad. Siya ang una kong naging kaibigan sa industriyang ito. Siya ang nagturo sa akin ng mga dapat at hindi dapat gawin. Naging malaki ang papel niya sa buhay ko bilang isang modelo.

"Tito naman e." may malapad ako na ngiti nang banggitin ko iyon dahil alam kong mapipikon siya.

At hindi nga ako nagkamali.

"Maze, isang tawag pa talaga sa akin ng tito, ipapatanggal ko talaga ang pangalan mo sa mga modelo na mapapasama sa Star Magazine."

"Tito, tito, tito, tito." pang-aasar ko pa kaya napairap siya.

"Stop. Tignan natin kung maka ngiti ka pa mamaya." siya naman ang may malapad na ngiti ngayon.

"Whatever."

"Pero blooming ka ngayon ha! Mukang nag-eenjoy ka kay Raizen. Hindi ka naman ganyan kaganda dati."

"I'll take that as a compliment." kinindatan ko siya bago tumawa na sinundan naman nilang dalawa bago umalis si ate Ara dahil aayusin niya ang mga gamit ko.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon