(Camilla's Point Of View)
"Ang lungkot naman po ng mga story niyo"
"Eeehh Author naman, bakit namatay yung babae? "
"Waahh Author naman eh, bakit naman palagi nalang sad story mga sinusulat niyo! "
Napairap nalang ako habang binabasa ang mga comment ng mga readers sa story ko. Katatapus ko lang ng ika 5 kong story ngayon kung saan namatay yung babae dahil sa pag save niya sa boyfriend niya nung muntikan na itong mabaril.
At heto ngayon ang mga reader ko, Nagririklamo dahil ang lungkot daw ng ending ng story ko. Abah, problema na nila yun! Kasalanan ko bang realistic akong tao?
Psh, wala naman kasi talagang happy ending sa totoong buhay eh! Bitter na kung bitter basta yun ang paniniwala ko!
Katatapos ko lang ngayong mag post ng thank you letter para sa mga reader na sumuporta sa akin, hindi ko narin pinansin pa ang mga epal na basher. Nang bigla na lamang may kung sinong nilalang ang kumatok mula sa mahiwaga kong pinto.
*knock... *knock...
"Ateeee" Sigaw ng pangit kong kapatid. Kainis! Kailangan ba talagang sumigaw pa siya pag tinatawag ako?
Inis akong tumayo mula sa pagkaka dapa ko sa kama at syaka padabog na binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Bakit ba? Anong kailangan mong lalaki ka at kung makasigaw ka ay parang sisirain mo na ang pinto ng kwarto ko? " Inis na tanong ko rito na nginisian lang naman niya.
"Ate, mayruon akong bagong nakitang libro sa library! " Masayang sagot nito syaka bahagyang inayos ang salamin niya.
Napabusangot nalang ako habang nakatingala sa kaniya. Nakaka insecure talaga tong lalaking toh, mas matanda ako sa kaniya pero mas matangkad pa sya kesa sa akin. Mukha tuloy na ako ang bunso.
"Oh eh ano namang pakialam ko sa librong yan? " Walang pakeng sagot ko rito habang nakasandal sa gilid ng pinto.
Isang ngisi naman ang binigay nito sa akin at syaka ipinakita ang isang librong may brown na pabalat at halatang luma na. Ang dami talagang ganyang libro sa library namin, hindi ko nga alam kung saan mga nanggaling yun eh.
Kaya dahil sa dakilang mahilig kaming magbasa ng novel nitong kapatid ko eh palagi kaming nangingialam dun.
"Aanhin ko naman yang libro na yan? " Inis muling sagot ko rito. Psh, pumunta lang ba sya rito para ipakita yang librong yan?
"Syempre naman ate, inaano ba ang libro? Syempre binabasa! " Abah, pilosopo tong pangit na toh ah!
Pinaningkitan ko lang siya ng mata at syaka binigyan ng isang matinding irap.
"Pilosopo! Ang ibig kong sabihin, bakit sa akin mo binibigay yang librong yan? " Mataray na tanong ko rito at syaka pinag krus ang dalawang braso sa dibdib ko.
Napakamot naman siya sa batok dahil sa tanong ko at syaka hilaw na ngumiti sa akin. Lalu tuloy naningkit ang mga mata ko dahil sa kinikilos niya. Ano bang meron sa librong yan at ganyan sya mag react?
"Hehehe ate, feeling ko kasi magugustohan mo itong libro. Ang lungkot kasi nung ending kaya malamang gusto mo ito" At ano namang pinapalabas ng lalaking toh? Parang may mali sa tono ng pananalita niya eh!
"So anong pinapalabas mo? " Inis na tanong ko rito.
"Sos kunwari ka pa, eh alam naman ng lahat na bitter ka! " Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? Bitter?
Handa ko na sanang hilahin ang tenga ng pangit na ito nang bigla na lamang siyang pumasok at inilagay ang libro sa study table ko at syaka dali-daling lumabas. Hahabolin ko pa sana ito pero masyadong mabilis tumakbo ang pangit na yun.
BINABASA MO ANG
Messed Up The Novel's Plot (Captured by your Authority)
FantasíaIn an unexpected time and unexpected day, Camilla's crazy life become craziest. And would you believe if i tell you that it all start when she messed up the novels plot? Who would have thought that this things can be happen? Ooowww i think this w...