Kabanata 5

5 1 0
                                    

Tahimik akong naglinis Wala narin Naman akong magagawa kundi gawin toh maya Maya nalang ako magtatanong kay sabrina

"Luiza!" Isang masayang Bati sakin nang babaeng satingin ko ay ka age ko lang "Sino ka?" Tanong ko at tumawa lang siya "Ayan ka nanaman luiza ano ba Ang nangyari sayo't Hindi mo ko makilala, ako ito si Alicia Ang matalik mong kaibigan" sabi nito na nagpipigil ng tawa "Ah alicia oo nga" pagsasang ayon ko nalang pero wala talaga Kong kilalang alicia

"Ano't nakatayo ka Lang riyan Hindi ba't pipitas pa Tayo ng bulaklak" halla ano ba tong sinasabi Niya "Hindi bat nangako ka" dagdag Niya " ah eh maglilinis pa ko binilin ni" wait ano na nga bang pangalan hung babae kanina? " Si Tita felicidad?" "Ah oo"  felicidad nga pala yun " Oh siya tulungan na Kita habang maaga pa"

Tinulungan nga ko ni alicia, nag walis din siya tapos nagdilig ng halaman, naiilang pa din ako Pano ko kaya siya pakikisamahan parang Kay ayean din kaya? Bahala na

Pagkatapos mag linis ng bahay ay pagod Ang naramdaman ko hindi Naman ako sanay sa ganto Kasi kwarto ko lng Ang linilinis ko noon  ngayon buong bahay

Habang papunta sa Kung saan man ako dalhin ni alicia ay nakita ko Ang ganda ng lugar Hindi nalalayo Ang itsura ng mga bahay nung pumunta kami nila mommy

Lahat ng bahay ay dalawang palapag sa likod nito ay palayan at sa bandang timog Kitang Kita Ang nag tataasang mga bundok. Mula sa bahay ay nag diretso lang Ang lakad namin, maya Maya pa ay lumiko kami pakanan at saka diretsong lakad nanaman.

"Alicia Hindi ba pwedeng gumamit Tayo ng sasakyan kahit trycicle nalang" Sabi ko sakanya pagod nadin Kasi ako

Lumingon siya at napaisip "Ano kamo? T-tryc" ano bayan Hindi Niya masabi, trycicle na nga lang " Kung ano man yaon eh Wala Pa kong nakikitang ganoon luiza ni kalesa nga ay madalang sa lugar natin dibale malapit na Tayo" Sabi Niya Lalo Kong napaisip walang trycicle? Kalesa? Eh Hindi Naman pwedeng makapag time travel Diba?

" Oh andito na Tayo" napatigil ako sa pag iisip ng sinabi iyon ni alicia. Tumigil kami sa isang bahay, Wala Naman tong halos pinagkaiba sa mga nadaanan namin, Meron lang silang maraming halaman at imbis na palayan Ang sa likod ay napakalaking garden Ang tumambad sakin

" Ang laki Naman po ng garden niyo" Sabi ko sa matandang nasa harapan ko "Garden? Hardin Ang ibig sabihin noon Diba luiza" Hindi ba Niya alam oh baka nakalimutan Niya? "Opo" maikli Kong sagot " O siya kayo'y mamitas na nang mga bulaklak habang maaga pa, maiwan ko na kayo"

" Alicia anong gagawin natin sa nga toh parang andami" tanong ko kanina pa Kasi kami pumipitas halos diko na mahawakan tong mga bulaklak eh "Hahaha grabe kakaiba ka ngayong araw luiza, siyempre ibebenta natin toh para may maiuwi sa kaniya kaniya nating pamilya Hindi ba?" Sabi Niya

Nagpaalam muna kami sa matanda tapos umalis, nalagpasan na namin Ang bahay ni luiza pero nagtuloy tuloy lang kami, sa di kalayuan ay narating namin ang tulay sa ilalim nito ay napaka linis na tubig, kahit nalilibang ay tinatandaan ko padin Ang pauwi sa bahay baka mamaya nawala pa ko

May nakahanda nang lamesa sa dulo nito kaya nilapag namin Ang mga bulaklak, naprisenta akong ayusin Ang mga yon para magandang tignan, nagulat pa si Alicia at nag tanong Kung saan ko yun natutunan, tumawa nalang ako maniniwala ba Naman siya Kung sabihin Kong napaka common nito nung cassie pa Ang tawag sakin tss baka pagtawanan pa ko.

Natapos Ang maghapon na yon at naibenta namin lahat ng bulaklak naghati kami sa kinita at Yung iba ay ibibigay sa matanda "O luiza halina umuwi na Tayo at maya Maya andiyan na Ang mga sundalong hapon" Sabi Niya "Takot ka sakanila? Hahaha ano ka ba maaga pa oh 6 palang" Sabi ko pero tinakpan Niya lang Ang bibig ko "ano ka ba luiza Ang mga hapones na iyon Ang pumatay sa iyong ama tumahimik ka't baka may makarinig ayokong mawalan ng kaibigan" bakas Ang takot sa mga salitang binitawan nito

" Hindi ako si luiza okay tsaka anong lugar toh Ang lalim Kung mag tagalog kayo tapos gulat na gulat kayo Kung mag english ako, such an ignorant"

"Luiza may sakit ka siguro hayaan mo't ipapaalala ko nalang sayo" sagot Niya bakas Ang pag aalala sa tono nito "Itigil mo na Ang pag I-ingles at Hindi Kita maintindihan tara na umuwi na Tayo" dag dag Niya "Dito muna ko uuwi din ako mamaya"

"Pakiusap luiza wag Kang tatawid ng tulay na ito't delikadong makita ka Ng mga hapones, patawad ngunit walang mag aalaga Kay inay mauna na ko" Sabi Niya at umalis

Palalim ng palalim Ang gabi, paganda Naman ng paganda Ang tanawin sa itaas napaka daming bituin at Ang liwanag ng buwan pero sa kagustuhan Kong malaman Ang bagay bagay sa Lugar na toh ay pasimple akong tumawid ng tulay

Tama nga si Alicia may mga hapones na nagbabantay nagtago ako sa ding ding ng mga building dito, sa pagmamasid ko eh halatang mayayaman Ang nakatira Dito Ang ganda ng pagkakagawa ng mga bahay hindi man ganun ka moderno eh nakamamangha padin dahil Ibang iba sa mga nakita ko kanina

Sa Hindi inaasahan ay muntik ko ng makasalubong Ang mga hapones, dalawa sila pero Hindi sila mukhang
Sundalo naka formal attire Ang mga ito, sa kagustuhan Kong malaman Ang pinag uusapan nila ay lumapit ako at magtatago Sana sa likod ng poste pero tumahol Yung mga aso, napalingon Naman Yung dalawa Wala Kong magawa kundi mag tago at mag intay Hanggang sa makita nila ko pero may humila sakin at dinala ko sa hardin sa di kalayuan

"Ano ka ba luiza gusto mo bang pumanaw ng maaga sa kamay ng mga hapon" isang lalaki Ang tumambad Sakin Hindi ko siya kilala pero parang kabaliktaran Naman Turing Niya sakin "Bitawan mo nga ko atsaka sino ka ba"

"Ilang linggo lang akong nawala pero nakalimutan mo na agad Ang pinakamamahal mong carlos" Sabi nito na ikinagulat ko nakaramdam ako Ng hiya, Tuwa at kilig. Ang weird Hindi ko Naman siya kilala

ABANGAN ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI SA KABANATA 6

It All Began In BataanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon