"Carlos Ang Sabi mo ay Hindi mo ko iiwan" nagmamakaawang Sabi ko sakanya
"Mahal ko pagpasensyahan mo na marahil ito talaga Ang aking tadhana" "Hindi! Nangako ka sa kin carlos nangako ka" aking itong binanggit habang nag uunahang tumulo Ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim
"Hindi dito nagtatapos nag lahat luiza, pangako ako'y magbabalik para ituloy Ang naudlot nating pagmamahalan"
Eto Ang huli nyang binanggit matapos sapilitang ipinasok ng mga sundalong hapones sa tren ng nakabalot ng sako Ang Mukha at nakagapos Ang parehong kamay, kasabay nito Ang Ilan pang bilanggo na pawang nakagapos rin at may taklob na sako Ang kani-kanilang Mukha
Maya Maya pay tumunog na Ang tren, hudyat na ito'y lilisan na
"Carlos!" Muli Kong sigaw ngunit nagpaputok ng bala Ang isang sundalong hapon bilang babala
" Luiza tama na baka mamaya ay Tayo pa Ang paputukan ng mga sundalo, tanggapin na Lamang natin Ang kanyang kapalaran" Sabi ni felicidad Ang matalik Kong kaibigan
" Ano Ang gusto mo Kung ganoon Felicidad, Ang hayaang mamatay si carlos sa martsa ng kamatayan!?"
Umandar na Ang tren ngunit heto ako, pilit na kumakawala sa higpit Ng yakap ni felicidad, ngunit sa huli ay Wala rin Akong nagawa
Wala akong Ibang magawa kundi Ang umiyak, lungkot Ang nanalaytay sa aking damdamin dahil batid Kong walang kasiguradohan Kung magbabalik si carlos Ang pinakamamahal ko, Wala ng saysay Ang pagpunta ko sa taong ito Kung siya'y mawawala
Ramdam kong ako'y nahihilo siguro ay dahil sa labis na kalungkutan at pati na Rin ng kainitan sa aming pwesto Maya maya pa'y nawalan ako Ng balanse, unti unting nagdilim Ang aking paningin
"Luiza!" "Oh jusko gumising ka luiza!" Sigaw ni felicidad ngunit tuluyan nang nagdilim Ang aking paningin...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Makina tunog ng makina, nakakarindi ito, Hindi ko maramdaman Ang aking katawan n-napakadaming aparato Ang nasa katawan ko," Cassie, cassie anak oh jusko, Doc! Doc! Gising na Ang anak ko"
Isa nanaman ba itong panaginip—
BINABASA MO ANG
It All Began In Bataan
Historical FictionCassie is just an ordinary girl with an ordinary life, Bataan is her favorite place without even knowing why, she thinks there's something in it that was a big part of her life, but what if because of an accident she found out what her life in the p...