Kabanata 4

6 1 0
                                    

Ramdam ko Ang sakit nang katawan pati narin Ang iyakan, naguguluhan man ay Wala Kong lakas para mag mulat ng mata, unti unting nawala Ang lahat ng iyakang ito at nabalot ng dilim At katahimikan ang aking paligid

Hanggang sa Ang nakakarinding tunog ng makina Ang naririnig ko pakiramdam ko nga ay namanhid Yung buo Kong katawan

Hindi ko Alam Kung gaano katagal akong nakatulog ngunit bigla nalang ako napabalingkwas sa kama

" It's just a dream?" Naguguluhan Kong sambit sa sarili, nakakapagtaka lang Kasi parang totoo Yung sakit ng katawan ramdam ko, lahat ng yun ramdam ko panong naging panaginip Lang lahat

Tumayo na ko sa kama at akmang pupunta sa cr ngunit bakit ganto, Hindi ko toh kwarto ah?!

Kahoy Ang sahig maging Ang ding ding nito pati Ang kama, walang foam at iisang unan at kumot lang Ang laman sa kaliwa ng Kama ay isang kahoy na cabinet may nakalagay na picture dito

Isang magandang babae, Hindi malinaw Ang litrato dahil black and white ito, sa patuloy na pag titig ko rito ay napansin Kong may hawig sakin mas morena nga lang ito at may suot rin siyang filipiñana na halos hawig nung sinuot ko sa klase namin sa history

Sa kanan ay maliit na salamin Ang tumambad sakin Wala namang pinagkaiba ako parin Naman toh

"Luiza bilisan mo't Aalis pa ko" isang Boses ng babae Mula sa pintuan Ang  narinig ko 

Nagtagal pa ko sa kwarto dahil Hindi ko Naman alam Kung anong sasabihin sa ale, ni Hindi ko nga alam Kung Pano ko nakarating dito

Kahit gulong gulo ay Wala Kong nagawa kundi Ang lumabas wala Rin namang Ibang labasan sa kwartong toh ni hindi ko din alam Kung anong lugar nasan ako

Pagkabukas ko ng pintuan ay andyan na Yung ale, "Ano ka ba Naman luiza, bumalik ka't magbihis ako'y nagmamadali anak bilisan mo" Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inunahan nya na ko

"Anak? Luiza? Ok I don't know what your talking about and Hindi ko nga kayo kilala Hindi ko Rin alam Kung nasan at Pano ako nakarating dito" halata Ang pagkainis ko sa tono ng pananalita ko

"Kelan ka pa natutong mag ingles, ano ba nag nakain mo't Hindi mo ko makilala o sya bumalik ka na't magbihis baka kulang ka Lang sa tulog" sagot nya

Sa tingin ko ay nasa mid 30s na sya base sa itsura naka filipiñana din sya

Ano pa nga bang magagawa ko eh sumunod na lang ako sa sabi ng ale, pumasok ako sa kwarto at binuksan Ang aparador, tumambad sakin Ang mga filipiñana, Puro yun lang Ang laman nito Ang Napili ko Ang hanggang tuhod Ang haba ito na Kasi Ang pinaka maiksi, Hindi ko masasabing mamahalin Ang mga ito Kasi Wala namang design Ang suot ko tsaka Ibang sinulid Ang gamit parang matigas na ewan

"Oh siya luiza umayos ka't magratrabaho na ko linisin mo Ang bahay at bantayan si sabrina" Sabi nung ale at umalis iniwan nya kong gulong gulo kasama ng batang babae sa lamesahan

"Sabrina Diba? Ah pwedeng paki paliwanag sakin Kung anong kalokohan tong nangyayari gusto Kong malaman lahat" Sabi ko sakanya pero tumawa siya at sinabing "Ate ano ka ba naman" Sabi nya na patuloy parin sa pagtawa "Ang pangalan mo ay Luiza Gonsales kapatid mo ko at Yung umalis si nanay Felicidad Ang pangalan niya" dag dag nito

"Anong lugar toh?!" Sabi ko sa pa gulat na tono "ate Las Casas Filipinas De Acuzar Tayo nakatira" Sabi Niya

Las casas, las casas natandaan ko toh nung pumunta kaming Bataan so asa Bataan ako? Pero isa tong museum panong may bahay dito gulong gulo ko sa mga nangyayari kaya naman pagkatapos kumain ay nilibot ko Ang bahay maliit Lang toh may tatlong kwarto pagkalabas ko Kasi kanina sa kwarto ko ay kusina Ang nakita ko sa harap nun ay apat na upuan na may lamesahan sa ginta siguro yun Yung sala pero wala man Lang appliances dito grabe

Nakaagaw pansino saking Ang Isang lumang litrato sa dingding sa sala Ang babae kanina na felicidad daw Ang pangalan si sabrina, tapos satingin ko ako yung nasa gabi nya at Isang lalake Naman Ang nasa tabi ko

"Sabrina Sino Yung lalake" pagtatanong ko, nakangiting lumapit sakin si sabrina may konting lungkot Ang mga mata nya "Ano ba ate yan si tatay 3 Taon palang siyang nawala pero nakalimutan mo na" Sabi nito so ibig sabihin tatay sya ni luiza which is ako?!

"Ate Sabi ni nanay mag linis ka raw kahit sa labas nalang ate ako na rito sa loob" kaya Naman lumabas na ko at kinuha nag walis

Ang mga bagay sa labas ay makaluma lahat ay makaluma Hindi kalakihan Ang mga toh Gaya ng nasa vigan, pati Ang kalsada sementado pero may mga bato paring makikitang nakabalot dito

Tahimik akong naglinis Wala narin Naman akong magagawa kundi gawin toh maya Maya nalang ako magtatanong kay sabrina

"Luiza!" Isang masayang Bati sakin nang babaeng satingin ko ay ka age ko lang "Sino ka?" Tanong ko at tumawa lang siya "Ayan ka nanaman luiza ano ba Ang nangyari sayo:t Hindi mo ko makilala, ako ito si Alicia Ang matalik mong kaibigan" sabi nito na nagpipigil ng tawa

A/N

Abangan Ang mga taong makikilala ni cassie sa kanyang paglalakbay Mula sa nakaraan muli na Rin nyang malalaman Ang una't huli nyang pagibig sa panahong toh

It All Began In BataanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon