41

9 2 0
                                    

Walang puwang
ang prinsipyong nais ipaglaban,
Sa isang maruming mundo.

Walang puwang
ang mga pangako at malinis na intensyon
Sa isang maruming mundo.

Hindi mawari ninoman
kung ilan, kung sinu-sino
At kung papaano
Paanong ang ingay na galing sa lata
bigla na lang mababalutan ng putok mula sa isang baril.

Hindi mawari ng mga katawan
katawang nakahandusay at katawang nakasaksi
Paanong ang mainit na yakap ng isang ina bigla na lang lalamig dahil sa isang ama.

Ang mga aral na nagsisimula sa tahanan
nasira at naisara ng mga sigaw
Ang respetong pinaghihirapan
ibinasura at inapakan ng naliligaw.

Ang mga bibig na nanginginig
humihingi ng tulong, humihingi ng pasensya
Bigla mong susubuan ng bala.

Ang brasong nakayakap
tinakasan ng kakayahang tumakas
itinali mo nang dagli sa isang banta
Bantang pumigtas sa kanilang pag-asa.

𝘔𝘢𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘰𝘶𝘭𝘴 𝘰𝘧 𝘚𝘰𝘯𝘺𝘢 𝘎𝘳𝘦𝘨𝘰𝘳𝘪𝘰 𝘢𝘯𝘥 𝘩𝘦𝘳 𝘴𝘰𝘯, 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘬 𝘈𝘯𝘵𝘩𝘰𝘯𝘺 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘫𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦.

piecesWhere stories live. Discover now