Chapter 01Tumawag si Auntie samin at sinabi niya na uuwi na raw siya sa susunod na buwan dahil nga magpapasko na at para makapagbaksyon na rin daw dito sa amin.Wala naman siyang sabi kung anong petsa siya uuwi basta ang sinabi niya lang ay sa susunod na buwan siyempre tuwang-tuwa kami kasi uuwi si Auntie at lalo na't matagal din namin siyang hindi nakita ng personal dahil sa mga videocalls lang namin siya nakikita at nakakausap chat at text ganyan
Makausap lang niya kami ay masaya na siya dahil mahirap din kasi ang mawalay sa pamilya lalo na at magpapasko.Nakangiti na siya na parang naiiyak tuwing makikita niya kami na masaya dahil miss na miss na raw kami ni Auntie sabi niya sa isang chat pati na rin sa videocall nung isang araw.
Kinakamusta niya rin kami kasi nga gustong-gusto na rin niyang umuwi pero kailangan niyang tapusin pa ang ilang mga dapat tapusin sa Canada.
Nahihirapan siyang makapag-adjust lalo na't medyo kinukulang na ang pera niya kaya kailangan niyang mag-ipon para may pamasahe siya pauwi.
"Alam niyo sana may pasalubong si Auntie sa'tin na mga chocolate."Sabi ng isang pinsan ko.
"Oo nga."Sang-ayon naman ng isa.
"Tumigil ng a kayo diyan alam niyo kahit walang chocolate basta makauwi si Auntie ay ayos na puro kayo tsokolate."Sabi ko sa kanila.
"Sorry naman Ate."Nanlumod na sabi niya.
"Ako din Ate pasensya na gusto kasi namin uling makatikim kasi ng tsokolate."
"Okay lang.Naiintindihan ko pero huwag naman ganyan."
"Okay po Ate."Sabay nilang sabi sa'kin
Umalis ma sila agad at nagpunta sa labas para maglaro kasama ang mga kalaro nila.Dumating ang mga kapatid ko galing sa trabaho ang tatlo kong kuya at tatlo kong ate grabe pagod na pagod sila galing trabaho.Agad ko silang sinalubong ng yakap na ikinatuwa naman nila.Umupo sila dun sa may sofa at nagtanggal ng sapatos at medyas saka nagpahinga dun din sa may sofa.
KUYA JHAKE
Ano kayang pwedeng iregalo sa kapatid ko ngayong magpapasko na talagang magugustuhan niya.
Naisip niya habang nagtatanggal ng sapatos sabay tingin saakin.
Pwede kaya ang simpleng regalo lang pero special naman.Hindi ko naman siya pwedeng tanungin kasi dapat nga surprise.Kuya niya ako at alam ko naman ang mga gusto niya na mga bagay pero sa dinarami ng mga gusto niya di ko tuloy lubos maisip king alin dun ang mas gusto niya na talaga namaang nakakapagpasiya sa kanya.
Ewan ko na lang kung magugustuhan niya yung bibilhin ko sa kanya na gustong-gusto niya talaga at mukhang favorite pa ata niya pero kong try kong bilhin at gawin yung gift masisiyahan kaya ang kapatid kong bunso kapag iyon ang ipinaregalo ko sa kanya?
Tulala siya habang nakatingin sa may sa isang direksyon.Hindi namin alam kong anong tumatakbo sa isip niya.
Siguro naman magugustuhan niya yun kasi kada pasko wala pa naman siyang inayawan na regalo ko at ni minsan wala naman akong narinig na mga reklamo sa kapatid,kami sa mga ibinibigay namin at sabi pa nga niya maganda iyon at bagay na bagay sa kanya.Suot pa nga niya ang pink na damit at pantalon ngayon na regalo ko sa kanya nung nakaraang taon kaya sure kong magugustuhan din niya ang magiging regalo ko sa kanya sa pasko.Hindi naman kasi siya yung klase ng kapatid na maarte at mareklamo dahil kung ano yung mabigay basta maganda man o hindi sa paningin niya ay na-a-appreciate naman niya kasi alam niyang pinaghirapan namin iyon.
Hindi naman niya iyon itinatapon kundi itinatago niya iyon sa isang lalagyan nakita ko iyon sa ilalim ng kwarto niya kaya napangiti na lang ako na maayos parin ang kondisyon at kini-keep niya at iniingatan ang lahat ng mga regalo namin sa kanya kada pasko at pati nung birthday.
Siyempre di naman niya mapagkakaila na masyado niyang pinapahalagahan at binibigyang importansya dahil para sa kanya importante iyon at may halaga kahit ano pa man ang maging itsura nun kaya iniingatan niyang mabuti kasi alam niyang pera ang ginagastos namin doon at pinaghihirapan namin iyon na mga panganay niyang kapatid.Hindi naman naging madali sa kanya noon na wala kami sa tabi niya pero naging masaya parin siya dahil nga sa mga regalong natanggap niya galing saamin.Yakap at halik lang sa kanya tuwing uuwi kami ay sapat at okay na sa kanya.Minsan naiisip ko tuloy paano kaya kung bigyan ko ding oras ang kapatid ko para naman makasama ko siya kahit saglit lang.
Iba din kasi kapag kasama ko ang bunso kong kapatid kasi naalala ko tuloy nung mga bata pa kami lagi kaming magkasama at di kami napaglalayo at isa pa lagi akong may oras sa kanya pero ngayon wala na sana naman naiintindihan niya kung bakit.
"Lea?"Tawag saakin ni Kuya Jhake kaya agad naman akong napalingon sa kanya at nagpunta sa harap niya.
"Bakit Kuya?"Sabi nung nasa harap na niya ako at bigla niya akong hinatak paupo at hinawakan sa baywang kaya niyakap ko na lang ang kuya ko.Wala naman kasing masama dun kasi nga magkapatid kami.
"Anong gusto mong gawin sa pasko?"Nakangiting sabi niya saakin sabay pisil sa pisngi ko habang nakayakap ako sa katawan ni Kuya at siyempre yung nasa harap na kamay ko ay kanyang hinawakan at nakatingin lang siya saakin na tila kinakabisado ang bawat detalye.
"Bakit Kuya?"
"Wala tinatanung lang ni Kuya.Sabihin mo na."
"Kahit pumasyal lang tayo kuya at kumain sa labas at makasama kita kuya okay na saakin yun."Napangiti siya at pinanggigilan ang pisngi ko kaya pinisil niya uli ito.
Niyakap ako ni Kuya dahil medyo na-mi-miss niya raw ako lalo na pag nasa trabaho siya at lagi niya raw ako naiisip sabi niya.
Nangungulila ako sa kapatid ko at miss na miss ko na talaga siya kasi tuwing holiday at ganitong pasko ko lang siya nakakasama kaya yayakapin ko na lang siya at hahalikan a pisngi tutal naman kapatid ko siya.
"Miss na miss na kita."Pangigigil at pisil niya sa may pisngi ko.
"Aray ko kuya."
"Ang alin?"
"Ang pagpisil mo sa pisngi ko."
Na-miss lang kita kasi ngayon lang uli kita makakasama.
"Kuya?"
"Oh?"
"Bakit tulala ka?"
"Wala iniisip lang kita."Pisil niya uli sa pisngi ko.
"Miss mo ako noh?"Pangungulit ko.
"Oo na-miss kita inaamin ko kasi wala akong bunsong nangungulit sa'kin.''Yakap niya saakin ng mahigpit at halik sa pisngi ko at pisil uli.
Cute ng kapatid ko kaya ang sarap pangigigilan pisngi niya ang sarap-sarap kurutin pisngi ng bunso kong kapatid sa sobrang ka-cute-an niya.
YOU ARE READING
Christmas spirit and Love
Short StoryDamang-dama ng lahat ang pasko...sabi nila dapat walang malungkot sa pasko dapat lahat ay masaya. Sa halip na magkainggitan at away ay dapat magmahalan at magmalasakitan. Lahat dapat ay nagbibigayan dahil nga pasko sabi ng ilan wala daw naman silang...