14.

1.7K 91 9
                                    

"Damn, wake up now."

Napaubo ako dahil may tubig na biglang lumabas sa bibig ko. Nang mahimasmasan ako ay napatingin ako kay Ado at Lev na pinagigitnaan ako habang ang mga kaibigan ko ay nakapalibot sa 'min. Napahawak ako sa paa ko dahil kumirot iyon.

"Lev, nahanap ko na!" sigaw ni Julie na may hawak na eyeglasses. "Gising ka na pala." Bumaling ito sa akin.

Napatingin ako kay Levi, wala siya suot na salamin at nakasuot na rin siya ng shirt ngayon. Inilagay ni JM sa kamay ni Lev iyong salamin na hawak niya kanina. Pinunasan niya muna ang salamin gamit ang damit niya bago niya iyon sinuot.

"Ako nang bahala sa kaniya. Pahatid na lang muna kami sa hotel," sabi ni Levi habang nakatingin kay JM. Nakatingin naman sa kaniya ang mga kaibigan ko.

"Mabuti pa nga," sabat ni Magi.

"Tawagan ko lang si Kuya." Itinuro niya ang phone niya bago nag-dial.

Napailing ako. Feeling ko tuloy, hindi na sila nag-enjoy dahil sa 'kin. "Sige na, swimming na ulit kayo." Ngumiti pa ako sa kanila.

"Tara na!" Agad namang tumakbo si Leighnash pabalik sa dagat.

"Hintay!" sigaw iyon ni Caless na tumatakbo na rin.

Napatingin ako sa mga natitira at kinunotan sila ng noo. "Ano pang tinatayo niyo riyan?"

"Wait lang, nagugutom ako. May pagkain ba dito?" tanong ni Kanao.

"Bumili ka," sagot naman ni Sam.

"Libre!" Buraot mode na naman itong si Kanao. Wala na tuloy nagawa si Sam kung hindi ilibre na lang siya. Kawawang Sam.

"Sus," sambit ni Magi kaya napatingin ako sa kaniya. "Gusto mo lang ma-solo si Levi, e." Tumawa siya bago naglakad paalis.

"Abno," sabi ko naman.

"Lev, naroon na raw si Kuya," sabi ni JM nang ibaba ang tawag.

Tumango naman si Levi at nagpatulong na alalayan ako dahil namamaga pa ang paa ko. Iniwan na kami ni Julie at bumalik na ulit sa beach noong makasakay kami. 40 minutes lang at naroon na kami sa hotel. May resort din pala malapit dito.

"Saan daw ba ang room ko?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami.

"Anywhere," sagot niya. "Basta sa third floor daw. Hati na raw tayo ng room."

Napaawang ang labi ko. "Sabi nila? Bakit?"

"Ayaw mo?" tanong niya pabalik.

"Hindi naman," sagot ko. Nakakahiya lang kasi na siya ang roommate ko. Sanay na rin naman akong nasa iisang kuwarto kami ni Levi dahil ganoon lagi ang eksena sa unit niya, pero nahihiya ako na pati ba naman dito ay magkasama pa rin kami sa iisang kuwarto.

Nag-elevator kami papunta sa third floor. Reserved ang buong third floor. Siguro dahil nga kami ang mago-occupy nito.

"Room 118 tayo," sabi ko sa kaniya. Iyon kasi ang nakita kong pinakamalapit sa elevator. Ayo'kong mahirapan siyang maglakad dahil inaalalayan niya ako. Nakaka-guilty na naman.

Pumasok naman kami roon. Naka-lock iyon pero may susi namang nakasabit sa tabi ng pinto. Kinuha namin iyon.

Nagulat ako dahil isang queen sized bed lang ang naroon at walang iba. Naglakad kami ni Lev papunta sa kama. Babagsak sana ako sa kama para makahiga na ako kaso naisama ko siya sa pagbagsak ko.

"Shit, sorry." Napaayos siya ng tayo nang ma-realize ang puwesto namin.

Namula naman ako agad kaya umayos na lang rin ako ng higa. Dumiretso siya sa C.R. para maligo at magbihis. Nang makalabas siya ay sumunod naman ako. Inalalayan niya ako papunta sa C.R..

She ( Girl's Love Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon