05.

2.9K 139 31
                                    

"U-uhm, oo. Okay naman,"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinakabahan kapag kinakausap niya ako. Nauutal ako lagi. Hindi normal iyon! Feeling ko tuloy umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo.

"I think, not yet." Kumunot ang noo ko nang bigla niyang hipuin ang noo at leeg ko. "Namumula ka pa rin. Ininom mo ba iyong binigay kong gamot?" tanong nito sa akin. Mas lalo tuloy akong namula.

"Hindi." Pinipilit kong hindi mautal.

"Sabi ko na," sabi niya. "Pero bakit parang okay ka naman noong nakita kita kanina? Lalo na noong hindi mo pa ako nakikita. Nilalagnat ka ata kapag ako ang kasama mo, e." natatawang sabi niya.

"Uh, ewan. Hehe," nahihiyang sagot ko.

Tumango na lang ako at nagsabing mauuna na ako. Umupo ako ako sa sofa, katabi si Ado at Lily. Dito ako kakain dahil hindi naman kasya ang plato ko sa mesa, punong-puno na iyon ng pagkain. Tumayo saglit si Ado dahil magba-banyo raw muna siya. Bigla na namang sumulpot si Levi sa harap ko. Saktong kakasubo ko lang ng hotdog, muntik ko pang mailuwa iyon sa harap niya.

"May nakaupo?" tanong niya, nakaturo sa upuan.

"Sige na, umupo ka lang diyan." Si Adonis na ang sumagot sa kaniya, kalalabas lang nito mula sa banyo.

Tahimik kaming dalawang kumakain. Paminsan ay tatanungin ako ni Lily pero matipid lang ako sumasagot. Pakiramdam ko, nababagot na itong si Levi. Kausapin ko kaya? Hindi ba nakakahiya? Tungkol saan naman ang pag-uusapan namin? Ano ba iyan, Heather! Kausapin mo na lang!

Magsasalita na sana ako kaso nauna siya. "I didn't expect to see you here." sabi nito.

"Ako rin," tugon ko naman. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako.

Wala na akong maisip na sasabihin kaya nanahimik na lang ako. Ilang segundo ulit ng katahimikan. Sabay kaming natapos kaya sabay din kaming tumayo. Nawala ako sa balanse dahil nakabungguan kami. Matutumba na sana ako pero mabuti na lang at listo siya. Agad niyang inilipat ang paper plate na hawak niya sa kabilang kamay at ang isang kamay niya ay pinalibot niya sa katawan ko at pinang-salo niya naman sa 'kin. Muntik pang mahulog iyong plastic spoon na nakaibabaw sa paper plate ko.

"Woah," natauhan ako.

"Nice catch, dre," bati ni JM dahil napansin pala nila. Tinapik pa nito si Levi.

Umiling naman si Levi bago bumaling sa akin. "Sorry."

"Hoy, okay lang!" sabi ko. Hindi naman dapat siya nagso-sorry. "Okay lang talaga. Pasensya na rin." Nag-thumbs up pa ako.

"Hindi iyon." Napansin kong namula siya bigla. Kinunotan ko lang siya ng noo. Hindi ko siya na-gets. "Wala." Napailing na lang siya.

Nauna siyang pumunta sa basuharan at itinapon ang basura niya. Sumunod naman ako. Tinapik ako ni Lily nang makabalik ako sa upuan ko.

"Gaga ka, hindi mo talaga siya na-gets?" tanong ni Lily. Buti hindi siya narinig ni Levi dahil dumiretso siya kay JM at nag-usap sila. Umiling na lang ako. "'Di ba pinalibot niya iyong kamay niya sa katawan mo kasi matutumba ka na? Abno, nahawakan niya dibdib mo, hindi mo naramdaman?"

"'Di nga?!" gulat na sabi ko. Nagsitingin sila sa 'kin saglit at bumalik na rin sa mga ginagawa nila. "Gagi, nakakahiya naman," sabi ko, mas mahinahon na ngayon. Napatakip tuloy ako sa dibdib ko.

Natatawang umiling na lang si Lily dahil sa reaksyon ko. Sobrang nakakahiya talaga. Bakit nga ba hindi ko kasi naramdaman? 'Di ba kasi nataranta ako?

Napapikit na lang ako ng mariin. Ayo'ko nang isipin dahil mas-stress lang ako. Inabot na rin kami ng gabi pero narito pa rin kami sa bahay, hindi pa natatapos ang party. Umuwi na ang pamilya ni JM pero naiwan si JM. Nag-palaro pa kasi sila Magi. Parang mga bata. Nag-uusap lang kami ni Yoshi sa sofa dahil hindi naman kami sumali sa games. Si Levi nga, hindi rin sumali dahil nahihiya siya, e. Nakaupo lang siya sa upuan na nasa tabi ng mesa at nanonood sa kanila, walang reaksyon.

"Titig na titig ah," mahinang sabi ni Yoshi.

Natauhan ako. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Ilang minuto na ba?

"Crush mo talaga," komento niya na naman. Mahina lang kaming nag-uusap dahil baka may makarinig.

"Gano'n ba iyon, Yoshi?" tanong ko. Ngayon curious na ako. "Hindi maintindihan, hindi ko naman kasi siya close kaya-"

"Kailangan ba close kayo?" putol niya sa sinabi ko. "Teka, kanina todo tanggi ka pero bakit ngayon curious ka na?" Napatakip siya sa bibig niya. "My G, may gusto ka nga kay Levi?!" pasigaw na bulong niya.

"Hoy, ano iyan?" Biglang sumulpot si Magi. Malamang narinig niya kami kaya hindi na dapat ako magsinungaling kung hindi ay baka lalo niya lang akong asarin.

Hindi pa rin natatapos maglaro ang mga mokong naming kaibigan at napakaingay nila kaya sana hindi talaga nila kami naririnig.

"Hoy, Ado, madaya ka!" sigaw ni Leighnash dahil sumayad na ang paa ni Adonis sa sahig pero iniangat niya ulit. Naglalaro kasi sila ng paper dance.

"Magi, paano mo ba malalaman kung may gusto ka sa isang tao?" tanong ko na lang sa kaniya.

"Hala, dalaga ka na talaga! Bakit ganiyan ka na magtanong?!" pasigaw na bulong niya.

Oo, naninibago sila. Minsan lang ako magkaroon ng fling pero hindi ako ganito sa kanila. Hindi ako nagtatanong kung ano bang feeling o ano. Hindi naman ako ganito noon. Iba ang pakiramdam.

"Oo na, ang ingay mo!" saway ko sa kaniya.

"Napaka-obvious niyang magkagusto, Mags. Halata ko talaga, noong nasa canteen pa." Napaawang ang labi ko nang sabihin iyon ni Yoshi. "Naalala niyo noong pinagtatawanan niyo siya? Hindi ako natawa noon kasi naintindihan ko siya. Nakita kong tinititigan niya iyong Levi na iyon. Tapos nagulat siya kasi kilala niya pala iyong babae tapos bigla siyang tinignan kaya nagtago siya. Hindi na ako nakiasar doon."

"Napaka-observative mo naman talaga," sabi ni Magi. "Kaya pala para kang tanga, tinititigan mo si Levi."

"Ganoon ba kapag may gusto ka sa tao?" tanong ko.

"Woy, laro tayo!" biglang sumigaw si Magi. Napasapo na lang ako sa sariling noo at umiling. "Sali kayo, dali. Masaya 'to!" Inaya niya kami ni Yoshi. "Bawal tumanggi! Truth or dare lang!"

"Sige na," pumayag na lang ako.

Umupo kami palibot sa sahig. Magi, ako, Caless, Nash, Ado, Ave, Hapon, Lily, JM, Levi, Kanao and Sam. Ganiyan ang puwesto namin. At dahil malakas ang trip ni Magi, ako ang nauna.

"Dare," sagot ko. Alam kong idadawit nila si Levi kapag nag-truth ako.

"Lipat ka ng seat," utos ni Yoshi dahil dare nga. "Sa tabi ni Kanao."

Umirap ako bago tumayo. Umupo ako sa gitna nila Kanao at Sam.

"Tanga, hindi riyan. Sa kabilang side," sabi ni Magi sa 'kin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Lumipat na naman ako. Sa gitna nila Kanao at Levi. Sinamaan ko ng tingin sila Magi. Sinasadya nila 'to, nakakapikon.

Sunod si Magi kaya dinare siya na tumambling sa kalsada. Pinanood namin siya sa kalokohan niya saka nagsibalik sa kaninang puwesto namin.

Si Sam, truth siya. Pinaamin tuloy siya kung may gusto siya sa tropa, tanong iyon ni Magi. Alam niya ang sikreto ng mga tropa dahil chismosa siya. Sumagot siya na oo pero hindi niya na sinabi kung sino.

Sunod si Kanao, dare din siya. Lumangoy tuloy siya sa sahig nang wala sa oras.

"Tapos na kaya ako!" angal ko dahil ako ang sunod kay Kanao pero tapos na ako sa dare ko kanina.

"Pagbigyan, sige!" sabi na lang ni Magi.

Si Levi na kaya kinabahan ako. Baka pag-trip-an nila. Truth pa naman ang choice niya.

"Would you date the person beside you?" tanong ni Yoshi kay Levi. Shyet, ito na.

"JM? No," natatawa niyang sagot.

"Hindi siya," sabi naman ni Magi. "Si Heather."

Talagang pinagt-trip-an nila kami. Naiinis ako pero nakakahiya mag-walk out dahil baka isipin naman nilang KJ ako.

"Well, uh... Yes," sagot niya na ikinagulat ko.

Nagpipigil naman ng kilig sila Magi at Yoshi. Pati si Lily, nakikisali. Ang iba kong mga tropa, siningkitan ako ng mata.

"If she'll only ask me."

ISSEE_DARLING :)

She ( Girl's Love Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon