THE UNWANTED MARRIAGE
Chapter 13I WAS CRAVING for singkamas and just waiting for Peter's arrival here kasi nagpabili ako sa kaniya kani-kanina lang ng singkamas. Mabuti na lang at hindi siya busy, tinatamad kasi akong lumabas ng bahay, wala rin akong gana na kumilos kilos kaya heto ako ngayon nasa sala at nanonood ng cooking show habang hinihintay ang pagdating ng singkamas ko.
Ilang beses na akong tumitingin sa phone ko para tignan kung anong oras na dahil naiinip na ako sa kakahintay sa kaniya. Hindi na ako makatiis kaya pinadalhan ko na siya ng mensahe.
Peter:
Ang tagal mo naman bumili, naiinip na ako.
Peter, matagal pa ba?
Peterrr!! Tagalllll!!
I waited for his reply and it took him five minutes to response my message.
"Maghintay ka." 'Yan ang tugon niya sa mensahe ko.
Sumimangot ako at tinutok na lang ang atensyon ko sa pinapanood ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakahintay kay Peter. Nagising na lamang ako ng may marinig akong paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko at naramdaman na may yumuyugyog sa balikat ko, pagdilat ko ng mata, si Peter ang unang bumungad sa akin. Pinagmasdan ko ang ginagawa niya hanggang dumapo ang tingin ko sa bowl na may na-slice ng singkamas, parang bigla akong nabuhayan ng dugo at mabilis pa ako sa alas kwatrong umupo nang maayos.
"Finally!" Napapalakpak kong sabi. "Peter, paabot nga ako n'ung strawberry jam sa ref, thank you." Sabay kuha sa bowl ng singkamas.
He looked at me flatly. "Wow, ano ako utusan mo? Bakit hindi ikaw ang kumuha since may paa ka naman 'no?" Nakangiti niyang sabi pero halata namang peke at may sarkasmo sa tono ng pananalita niya.
"Ikaw na please? Tinatamad akong tumayo, eh." Sabi ko at nilawakan ang ngiti sa kaniya.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng tumalikod na siya sa akin at tinungo ang kusina para kunin ang strawberry jam. Iyon kasi ang gusto kong gawin na sawsawan ko para sa singkamas.
"Oh, ayan na señorita." Bigay niya sa akin at may ngiti sa labi ko iyong kinuha sa kamay niya.
Binuksan ko iyon at isinasaw ang na-slice na na singkamas sa strawberry jam. Nanlaki ang dalawang mata ko sarap at ilang ulit na sinawsaw ang singkamas.
"Oh my goodness, this is so good!" Natutuwang aniya ko.
Nilingon ko si Peter na seryosong nakatingin sa akin sa kabilang upuan. Pero hindi ko pinansin ang tingin niya at inaya pa siyang tikman ang kinakain ko.
"Come on, Peter, try it! This is so good! Hindi ka magsisisi sa sarap promise!" Para akong bata na nabilhan ng lobo at candy sa sabik at saya kong nararamdaman.
Naka-ilang subo na ako ng tawagin ni Peter ang pangalan ko.
"Thalia."
"Hmm?" Sagot ko habang ngumunguya.
"Do you still remember when we're still in high school, one of our classmate accidentally spilled her strawberry jam on your shirt. I know you are pissed that day but instead of blaming her you just smiled and said it's okay." Kwento siya na ikinatawa ko dahil tanda ko pa iyon.
Who wouldn't remember that? I was really embarrassed when I came home with stained on my shirt. Grabe 'yong inis ko noon sa classmate ko pero wala namang magandang maidudulot kung aawayin ko pa siya 'saka hindi ako mahilig sa away kaya sa halip na sisihin sinabi ko na lang na okay lang.
"Do you still remember that?" Nakangiting tanong ko.
"Yes, I clearly remember that because even before that day happened, you told us you dislike strawberry jam, so I'm thinking... since when you started eating strawberry jam, Thalia?" Napatigil ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage (On-going)
RomanceGaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong walang balak na mahalin ka? Hanggang kailan ka magtitiis sa mapanakit na pag-ibig? *** Thalia Meissele Lopez would willingly accept his husband's hatred towards her, even if it would hurt her so much. She's...