Chapter Ten

359 11 11
                                    

THE UNWANTED MARRIAGE
Chapter 10

HANGGANG NGAYON ay ginugulo pa rin ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni Zach kahit na dalawang araw na ang lumipas. Saka bakit ba kung hindi ako maka-move on sa pagtitig niya sa akin? Eh, asawa ko naman siya at isa pa minsan lang 'yon tumingin sa akin ng gano'n katagal kaya gano'n ako katagal maka-move on. Hay buhay, nakakabaliw talaga ang magmahal.

Malakas akong napabuntong hininga habang nakapatong ang dalawang siko ko sa magkabilang binti ko at nakapalumbabang naka-upo sa single sofa sa aming sala. I was bored and I'm lazy to clean our house at isa pa, kakalinis ko pa lang naman kahapon 'saka hindi naman malalaman ni Zach na hindi ako naglinis ngayon.

Nang mangalay ako sa pagkapalumbaba, sinandal ko ang likod ko sa sofa at tumingin sa kisame. Ang laki ng bahay pero parang wala man lang nakatira, walang kabuhay-buhay.

"Ano ba 'yan, wala akong magawa." Bulong ko sa aking sarili at kalaunan ay napahikab.

Nakailang ulit ako sa paghikab at napapaluha pa ang dalawang sulok ng mga mata ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok, alas diyes pa lang ng umaga pero inaantok na ako. At dahil parang gusto ng pumukit ng mga mata ko ay nagdesisyon na akong tumayo at umakyat papunta sa aking kwarto. Sobrang bigat na kasi ng talukap ko kaya hindi ko na magawang tiisin.

Sa sandaling naramdaman ko ang malambot na kutsiyon sa katawan ko ay mabilis akong nakatulog. And I woke up feeling hungry because of my dream, in my dream I was eating a red velvet cake that's why I'm craving for it.

As soon as I get up I cleaned myself and just wear a fitted maroon shirt paired with jeans. Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ko kinuha ko na ang wallet ko at susi ng kotse sa drawer at lumabas na ng kwarto. I'm humming habang pababa nang hagdan and I gulped as I thought the red velvet cake.

I locked the door at sumakay na sa kotse. I drove my car to the nearest café pero kakaubos lang daw ng cake na gusto ko kaya I was little disappointed kasi gusto ko na talagang kumain nu'n, but there was still a café around the area kaya I drove my car for at least ten minutes to get there and finally! They have red velvet cake, so I ordered two plate of 'em. And since ako  lang ang customer sa café nila ay mabilis na dumating ang order ko. I happily eat my red velvet cake at sa unang tikim pa lang ay napapikit na ako sa sarap at ninamnam ang matamis nitong lasa, para akong bata dahil may pa-padyak-padyak pa ako sa ilalim ng lamesa.

"You seem enjoying your food." Anang ng lalaki.

Napahinto ako sa aking pagkain ng may magsalita sa harapan ko at nanlaki rin ang mata ko ng mabosesan ko ito kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napaangat ng tingin at nabalot ng pagkasabik ang puso ko kung sino ito.

"Peter!" Abot langit na ngiting tawag ko sa kaniya.

"Yes, it's me, Thalia." Balik na tugon nito sa akin na may maganda ring ngiti sa labi.

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa biglaan kong pagyakap sa kaniya pero agad niya rin iniyakap ang isa niya braso sa bewang ko. Nang makuntento ay bumitaw na rin ako ng yakap sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi mangiti.

"I miss you." I told him without breaking our gazed.

Tumawa siya at umupo sa kabilang bahagi ng lamesa kung saan katapat lang ito ng kinauupuan ko. Nang maupo siya ay naupo na rin ako.

"I miss you, too, bestfriend." Nang sabihin niya ang salitang bestfriend pareho kaming natawa.

Pero agad akong napatigil sa pagtawa ng may maalala habang siya ay tumatawa pa rin, after all this years, you still haven't change, Peter.

The Unwanted Marriage (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon