THE UNWANTED MARRIAGE
Chapter 3NANG MAWALA na sa paningin ko ang sasakyan ni Zach ay tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay. Nagpunta ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng asawa ko at nang matapos ay saka ko naman sinimulang maglinis.
Ayaw na ayaw kasi ni Zach ng marumi. Noong minsan kasi na hindi ako nakapaglinis ng bahay dahil sobrang bigat talaga ng katawan ay nagalit siya sa akin at nakatikim tuloy ako ng masasakit na salita. Minsan na rin akong nag-suggest sa kaniya kung pwede ba kaming kumuha ng kahit isa o dalawang kasambahay man lang pero tumatanggi siya at sinabing ako dapat ang gumawa lahat ng gawaing bahay.
Gusto kong magreklamo dahil mag-isa lang akong maglilinis nitong malaking bahay kung kaming dalawa lang naman ang nakatira at minsan pa ay bihira pa siyang umuwi! Gusto ko mag sabi sa kaniya pero ayoko naman sabihan pa niya akong walang kwenta at puro reklamo kaya nanahimik na lang ako at sinusunod ang gusto niya. I have rights to complain since I am his wife pero dahil iniiwasan ko talaga ang mga bagay na magpapainit nang ulo niya mas mabuting sumunod na lang ako.
Malalim akong napabuntong hininga. Nandito ako ngayon sa living room at pinunasan ang wedding frame namin. Napatitig ako sa larawan naming dalawa, ako lang ang nakangiti, ako lang din ang masaya sa araw na 'to habang si Zach ay walang emosyon ang mukha niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng bahay at kahit saan man dumapo ang paningin ko iisang senaryo lamang ang nakikita ko-ang mga pananakit sa akin ni Zach. Sanay naman na ako sa pananakit niya pero masakit pa rin sa tuwing naalala ko ang mga gabing lumuluha ako. This is the price for what I did and I'm willing to pay the price just to be with him.
I almost jumped to my feet when I heard the door bell ring. Mabilis kong ibinababa ang pamunas na hawak ko saka naglakad papalapit sa pintuan at binuksan iyon.
Oh? What is he doing here?
"Marcus? What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko.
"Yeah, good morning, too, Thalia." Sarkastikong sabi niya and I just rolled my eyes to him.
Tinatawan lang niya ang ginawa ko sa kaniya at saka niya inilahad sa harapan ko ang hawak niya red envelope.
Umangat ang isang kilay ko saka tinanggap iyon.
"What is this for?" Tanong ko na nakatingin sa envelope.
"Bakit hindi mo buksan ng malaman mo?" Nakangising sambit niya.
I tsked and open the red envelope. My eyes widened when I saw what's inside at hindi makapaniwala sa nalaman ko.
"Why are you looking at me like that?" Kunot noo na tanong niya sa akin.
Napakurap ako nang ilang beses. "Nakakagulat kasi." Hindi pa rin talaga makapaniwalang sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ko iyon pinansin.
"Is it because I'm getting married?" Tanong niya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nagulat ako.
"Hindi." Tugon ko na nakatingin pa rin sa invitation card.
"Then what?" Bakas ang pagkainis sa boses niya, na-offend ko yata siya.
"You," sagot ko.
"Me?" Turo niya sa sarili niya at tumango naman ako.
"Yes, walking red flag ka kaya tapos you are known for being jerk kaya hindi ko naisip na pakakasalan ka ni Ameliah." Sambit ko habang nakatingin sa kaniya.
Pinaningkitan niya ako ng mata, "judgemental."
Mahina akong natawa sa kaniyang sinabi, "everyone knows you're a jerk, Marcus." Pagpapaala ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage (On-going)
RomanceGaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong walang balak na mahalin ka? Hanggang kailan ka magtitiis sa mapanakit na pag-ibig? *** Thalia Meissele Lopez would willingly accept his husband's hatred towards her, even if it would hurt her so much. She's...